Pages

Tuesday, February 9, 2016

ANG PAGLALAGAY NG ABO SA NOO NG ISANG LAYKONG TAGAPAGLINGKOD SA MIYERKULES NG ABO



PAUNANG SALITA

1. Ang ritwal ay gagamitin ng isang lay minister sa labas ng Pagdiriwang ng misa.
2. Maaring ipagdiwang ito sa mga paaralan,ospital at karampatang lugar kung saan ang mga mananampalataya ay nagnanais na makinabang sa sakramental na ito tanda ng
kanilang Pagsisisi'
3. Ang pagdiriwang na ito ay nauukol lalo na para sa mga taong nararatay sa karamdaman at di makakapunta sa simbahan.

PAMBUNGAD NA AWIT

Kaawaan mo ako O Diyos
ayon sa Yong kabutihan
uyon sa laki ng Yong habag
Pawiin ang aking kasamaan
hugasan ako sa aking Pagkakasala
at linisin sa aking kasalanan.

Laykong namumuno :
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo
R. Amen.

Purihin ang Diyos ng biyaya, awa at kapayapaan
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espirifu Santo:
R. Kapara noong unang-una ngayon at magpakailanman
magpasawalang-hanggan Amen.

Mga kapatid ang oras ng biyaya at pagpapatawad ng Diyos ay sasapit na, ang oras na ang kamatayan ay natapos at ang buhay na walang hanggan ay nagsimula. Sa simula ng Kuwaresma, tayo'y nagkakatipon upang ipahayag ang ating pagtitika. Nawa'y maging mahabagin ang Diyos at panumbalikin tayo sa kanyang pakikipagkaibigan.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Laykong namumuno:
Amang nasa langit, ang liwanag ng iyong katotohanan ay nagkakaloob sa dilim ng makasalanang mata upang makakita. Nawa'y ang panahong ito ng pagbabalik-loob ay magdulot sa amin ng iyong pagpapala at kapatawaran at ang regalo ng iyong liwanag. Ipagkaloob mo ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
R. Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA

Magsisi kayo nang taos sa puso hindi pakitang-tao lamang.

Pagbasa mula aklat ni Propeta Joel (2: 12-18)

Sinasabi ngayon ng Panginoon: 'Mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin, kayo'y mag ayuno, manangis at magdalamhati. Magsisi kayo ng taos sa puso, hindi pakitang tao lamang.' Magbalikloob kayo sa Panginoon na inyong Diyos. Siya'y may magandang loob at puspos ng awa, magpahinuhod at tapat sa kanyang pangako; laging handang magpatawad at hindi magparusa. Maaaring lingapin kayo ng Panginoon at bigyan ng masaganang ani. Kung magkagayon, mahahandugan natin siya ng haing butil at alak. Ang trumpeta ay hipan ninyo sa ibabaw ng Bundok ng Sion; iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat, tawagin ninyo ang mga tao para sa isang banal na pagtitipon Tipunin ninyo ang lahat, matatanda't bata, pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal. Mga saserdote, kayo'y tumayo sa pagitan ng pasukan at ng dambana, manangis kayo't manalangin nang ganito: 'Mahabag ka sa iyong bayan, O Panginoon. Huwag mong tulutang kami'y hamaki't pagtawanan ng ibang mga bansa at tanungin, 'Nasaan ang iyong Diyos? Pagkaraan, ipinamalas ng Panginoon na siya'y nagmamalasakit sa kanyang bayan.

Ang salita ng Diyos.
R. Salamat sa Diyos

SALMONG TUGUNAN

Poon kami'y iyong kaawaan kaming sa'yo'y nagsisuway:


Ako'y kaawaan O mahal kong Diyos, sang-ayon sa iyong kagandahang-loob, ang mga kasalanan ko'y iyong pawiin, ayon din sa iyong pag-ibig sa akin! Linisin mo sana ang aking karumihan at ipatawad mo yaring kasalanan!

Poon kami' y iyong kaawaan kaming sa'yo'y nagsisuway:

Ang pagsalansang ko ay kinikitala laging nasa isip ko at alaala' Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang nagawa ko'y di mo nagustuhan.

Poon kami' y iyong kaawaan kaming sa'yo'y nagsisuway:

Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa'y h'wag akong alisin; ang Espiritu mo ang papaghariin.

Poon kami'y iyong kaawaan kaming sa'yo'y nagsisuway :

Ang galak na dulot ng 'yong pagliligtas, ibalik at ako ay gawin mong tapat. Turuan mo akong makapagsalita, at pupurihin kita sa gitna ng madla.

Poon kami'y iyong kaawaan kaming sa 'yo'y nagsisuway :

Pagkatapos ng kaunting paliwanag ng tagapagdiwang ukol sa panahon ng Kuwaresma, lalo ukol sa batas ukol sa abstinence at fasting, pipila ang mga mananampatalaya ng maayos at ipagkakaloob sa kanilang noo ng laykong namumuno ang banal na abo. Maaaring awitin ang isang karampatang awit.

Magsisi sa kasalanan at sumampalataya sa mabuting balita.

Pagkatapos ng paglalagay ng abo maghuhugas ng kamay ang laykong namumuno pagkatapos ay sisimulan ang panalangin ng pagluhog.

PANALANGIN NG PAGLUHOG

Laykang namumuno :
Ang ating maawaing Ama ay di hinahangad ang kamatayan ng makasalanan bagkus sila'y magsisi at magkaroon ng buhay. Manalangin tayo upang tayong nagsisisi sa ating mga pagkakasala ay di na mangamba sa kasamaan at kasalanan.

R. Panginoon Dinggin mo kami

1. Sa aming kahinaan nabahiran namin ang kabanalan ng simbahan, patawarin mo ang aming pagkakasala at ibalik muli kami sa pakikipag-ugnayan sa aming mga kapatid.
(R.)
2. Ipagkaloob mo ang kapatawaran ng mga kasalanan at ang biyaya ng bagong buhay sa mga isisilang sa binyag ngayong pasko ng muling pagkabuhay. (R.)
3. Ang iyong Awa ang aming pag-asa: tanggapin mo kami sa sakramento ng muling pagkakasundo.(R.)
4. Bigyan mo kami ng tibay ng loob upang magbagonq buhay at sa pamamagitan ng kawanggawa, mabuting halimbawa at panalangin magbago din ang kapwa namin. (R)
5. Gawin mo kaming€ buhay na tanda ng iyong pag-ibig para sa lahat, isang sambayanang nagkakaisa.(R.)


Layko namumuno:
Atin ngayong  dasalin ang panalanging itinuro sa atin
Ama namin...


PANGKATAPUSANG PANALANGIN

Laykong namumuno:
Ama naming bukal ng buhay, batid mo ang aming kahinaan. Nawa'y abutin namin ng buong galak ang iyong kamay at maging handang tahakin ang iyong mga landas. Hinihiling namin ito sa Pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

R. Amen.

Layko namumuno:
Basbasan nawa tayo ng Amang umampon sa atin upang maging kanyang mga anak.
R. Amen.

Sumapit nawa ang Anak na tinanggap tayo bilang mga kapatid.
R. Amen.

Nawa'y ang Espiritu Santo na ginawa tayo bilang kanyang tahanan ay manatili sa atin.
R: Amen.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
R. Amen.


No comments:

Post a Comment