Pages

Tuesday, February 9, 2016

ANG PAGSUSUNOG NG PALASPAS SA MARTES BAGO ANG MIYERKULES NG ABO

                                               


Paunang Salita


1.Ang ritwal ay hindi pamalit sa pagbabasbas ng mga abo sa Miyerkules ng Abo. Ito ay ritwal upang ihanda ang mga tao sa pagpasok sa panahon ng Kuwaresma.

2.Ang pagsusunog ay gagawin sa labas ng simbahan kung saan may inihandang lalagyan ng mga palaspas at lalagyang sunugan.

3.Maaring gawin ang ritwal bago simulan ang misa o ang panaianging pantakip-silim. Kung ito ay gaganapin sa loob ng misa papalitan nito ang pagsisisi sa kasalanan.

4.Kapag ipagdirin ang ito sa loob ng misa. Sisimulan ang tanda ng Krus at pagbati sa harapan ng simbahan tulad ng ginagawa sa ritwal ng pagbabasbas ng kandila sa ikalawa ng Pebrero.

5.Kung ang pagdiriwang ay wala sa loob ng misa lilang estola ang gagamitin. Kung sa loob ng misa, gagamitin ang kulay na itinakda sa araw na iyon.

MULA SA PALASPAS TUNGO SA ABO

PAMBUNGAD NA AWTT

Punong tagapagdiwang
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo
R. Amen.

Panginoon ikaw ay aming kanlungan sa bawat salinlahi. Ipabatid mo sa amin kung gaano kaiksi ang buhay upang matamo namin ang karunungan ng puso.
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo :

R. Kapara noong unang-una ngayon at magpakailanman
magpasawalang-hanggan, Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Punong tagapagdiwang.
O Diyos ng Awa, nilikha mo kami mula sa alabok. Kaisa ng simbahan, hinimok mo kaming sumunod sa tawag ng iyong mabuting balita. Gawaran mo kami ng iyong habag habang aming inihahanda ang mga abo na tanda ng aming paglalakbay sa Kuwaresma. Ipagkaloob mo na kaming naglalakbay sa ilang ay makasumpong sa bukal ng muling pagsilang na may masidhing pagkauhaw sa katarungan. Ang amin nawang kawanggawa ay makapagbigay lingkod sa iyong sambayanan at ihantong kami sa kapayapaan. Nawa'y pabanalin ng panalanging ito ang lahat ng aming mga gawa, hanggang sa humantong kami sa iyong inihandang hapag kung saan ikaw ay naghahari kasama ni Kristo at ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan. .

R. Amen.

Ilalagay ngayon ng mga tao ang kanilang mga palaspas sa lalagyang inihanda habang binabasa ang salmo 51.

Matapos ng paglalagay susunugin ang mga palaspas habang umaawit ng karampatang himig.

Kapag ito ay ginawa sa loob ng misa papasok ang punong tagapagdiwang at mga tao sa simbahan. Ang punong tagapagdiwang ay hahalik sa dambina, tutuloy sa kanyang upuan at agail na babanggitin ang pambungail na panalangin ng misa at itutuloy ang misa ayon sa nakagawian.

Kung hindi sa loob ng misa ito ginawa itutuloy ang mga sumusunod.

PANALANGIN NG PAGLUHOG

Punong tagapagdiwang:
Nababatid ng Panginoon kung saan tayo nagmula, at batid niyang tayo ay alabok. Hilingin natin sa kanya na tayo'y patawarin at hilumin ang mga sugat na buhat sa kasalanan.
Ang ating itutugon :

R. Panginoon Dinggin mo kami

Lector :
Ipagkaloob mo sa amin ang biyaya ng tunay na pagbabalik loob upang mapagtagumpayan ang lahat ng tukso. (R.)

Lector :
Palakasin mo kami sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. (R.)

Lector :
Ipagkaloob mo sa amin ang tapang ng loob upang mapagtagumpayan ang lahat ng tukso. (R.)

Lector :
lulungan mo kaming matanto ang tunay na halaga ng aming buhay. (R.)

Lector:
Panibaguhin mo ang iyong pag-ibig sa amiry at itulot mong magng saksi mo kami sa pangaraw-araw na buhay. (R.)


Punong tagapagdiwang
Panginoong Diyos, hindi mo hinangad na mamatay ang makasalanan bagkus sila'y magbalik loob. Sa iyong habag isaalang-alang mo ang kahinaan ng aming katayuan. Batid naming kami ay alabok at sa alabok din kami babalik dahilan sa aming kasamaan. Magdalang awa ka sa amin, patawarin mo ang aming pagkukulang at ipagkaloob mo sa amin ang gantimpala ng lahat ng nagsisisi sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

R. Amen.

Ang mga abo ay itatabi para sa kinabukasan. Papasok ang mga tao para sa panalanging pantakipsilim.

Kung walang ibang pagdiriwang tatapusin ito sa pagbabasbas.

Punong Tagapagdiwang :
Sumainyo ang Panginoon
R. At sumainyo rin

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama + Anak at
Espiritu Santo.
R. Amen.
Tapos na ang ating pagdiriwang humayo kayo sa kapayapaan
ni Kristo.
R. Salamat sa Diyos.

No comments:

Post a Comment