Pages

Tuesday, February 9, 2016

PAGBABASBAS AT PAGHAHAYO NG MANANAMPALATAYA SA SIMULA NG BANAL NA PAGLALAKBAY



MAIKSING PALIWANAG

Kapag sumapit ang panahon ng Kuwaresma, nakagawian na sa Lungsod ng Roma na ang Santo Papa ay nagdiriwang ng misa sa ibat- ibang simbahan kung saan ang mga relikya ng mga martir o pinangyarihan ng kanilang pagpapakasakit ay naganap. Ito ay tinaguriang'stational masses' kung saan nagsisimula ang misa mula sa isang simbahan at ipinagpapatuloy sa susunod na simbahan. Ito rin ang pinagbabasihan kung bakit hinihimok magdiwang ang buong sambayanan kaisa ng obispo ng Diyosesis ng mga misa sa mga parokyang kanyang nasasakupan lalo na sa panahon ng Kuwaresma.

Ang tradisyong 'stational masses' ay nagpapahiwatig na ang pagpapakasakit at patotoo ng mga banal ay di lumilipas bagkus ay Iubos na mabisa upalg pukavvin sa puso at gunita ng mga mananampalataya sa ngayon na ipagpatuloy sa kanilang buhay ang halimbawang ipinamalas ng mga naunang Kristiyano.

Sa Jerusalem ang mga tao ay naglalakbay sa mga lugar kung saan nangyari ang mga mahalagang kabanata sa buhay ng Panginoon sa panahon ng Semana Santa. Sa kadahilanang hindi lahat ay may kakayanang makapaglakbay sa mga nasdbing pook. Gumawa ang simbahan ng paraan upang makibahagi rin ang mga manarutmPalatayasa magandang gawaing ito. Ang mga Istasyon sa ]erusalem ay Para na ring narating ng mga tao sa pamamagltan ng pagdiriwang ng Istasyonng Krus sa loob ng kanilang mga Parokya.

Sa pangkasalukuyang panahon ang dalawang mahalagang tradisyong ito ay malimit na pinagsama sa banal na paglalakbay o "Parish pilgrimage" tuwing panahon ng KuWaresma na ginagawa ng maraming parokya. Ang mga tao ay samasamang naglalakbay sa mga banal na pook na pinupuntahan sa kanilang mismong lalawigan o mga kalapit nito.

Ang mga susunod na pagdiriwang ay makatutulong upang pukawin sa isip ng mga tao ang kahalagahan ng paglalakbay na ito.

PANIMULA

Maaring gamitin ang pagdiriwang na ito sa bago umalis ang mga tao para sa taunang banal na paglalakbay ng parckya. Sisimulan ang pagdiiwang sa loob ng simbahan. Ang pari na nakasuot ng sutana, surplice at puting estola o di kaya alb at estola, ay papasok sa sanktuaryo magbibigay pugay sang ayon sa nakagawian. Aawtitin ang mga sumusunod o katulad nito.

Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito Kaya anuman ang mabubuting maaring gawin ko ngayon O anumang kabutihan ang maari kong ipadama. Itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ito. Nawa'y huwag ko itong ipagpaliban o ipagwalang bahala Sapagkat di na ko muling daraan sa ganitong mga landas

Punong tagapagdiwang:
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
R. Amen.

Punong tagapagdiwang:
Ang Diyos ng ating lakas at kaligtasan; nawa'y sumainyo.
R. At sumainyo rin
Magbibigay ng paunang salita ang punong tagapagdiwang.

Punong tagapagdiwang:
Mga kapatid sa pasimula ng ating paglalakbay dapat nating isaalang-alang ang dahilan kung bakit natin aakuin ang banal na paglalakbay. Ang mga lugar na ating bibisitahin ay buhay na bantayog ng marubdob na pananampalatayangsambayanan ng Diyos. Marami ang nagtutungo doon upang palakasin ang kanilang pagnanais na mamuhay ayon sa tawag ng ebanghelyo at kawanggawa. Tayo rin naman ay dapat magtaglay ng baon para sa mga naninirahan doon, ito ay ang ating mabuting halimbawa ng pananaampalataya, pag-asa at pag-ibig, at dahil dyan mapapalakas natin ang isa't-isa.


PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias (2:1-S)

Ito ang pangitain ni isaias na anak ni Amos tungkol sa ]uda at Jerusalem: sa mga huling araw, ang bundok na kinatatayuan ng templo ng Panginoon ay mamumukod sa taas sa lahat ng bundok. Daragsa sa kanya ang lahat ng bansa. Ang maraming taong lalapit sa kanya ay magsasabi ng ganito: "Halikayo umahon tayo sa bundok ng Panginoon, sa templo ng Diyos ni Jacob, upang malaman natin ang kanyang mga daan at matuto tayong lumakad sa kaniyang mga landas. Sapagkat sa Sion magmumula ang kautusan at sa Jerusalem ang salita ng Panginoon." Siya ang mamamagitan sa mga bansa at
magpapairal ng kapayapaan. Kung magkagayon, gagawin nilang sudsod ang kanilang mga tabak, at karit ang kanilang mga sibat. Wala nang magsasanay sa pakikibaka at mawawala na ang mga digmaan. Halina kayo, sambahayah ni Jacob, at tayo'y lumakad sa liwanag ng Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.
R. Salamat sa Diyos.


PANALANGIN NG BAYAN


Namumuno:
Ang Diyos ang pinagbubuhatan at hantungan ng paglalakbay ng buhay, puno ng pagtitiwala idulog natin sa kanya ang ating mga kahilingan.

SAMAHAN MO KAMI SA AMING PAGLALAKBAY.

1. Ikaw ay nagrng gabay at daan ng iyong bayan habang sila'y naglalakbay sa ilang, ikaw nawa'y maging aming sandigan sa simula ng aming paglalakbay. (R.)
2. Ipinagkaloob mo ang iyong Anak upang maging aming daan patungo sa Iyo. Itulot mong matapat naming siyang masundan. (R.)
3. Ipinagkaloob mo sa amin si Maria bilang larawan at halimbawa sa aming pagsunod Kay Kristo; ipagkaloob mo, na sa pamamagitan ng kanyang halimbawa, magbagong buhay kami. (R.)
4.Ginagabayan mo ang iyong Simbahang naglalakbay sa pamamagitan ng Espiritu Santo, hanapin ka nawa namin at lumakad sa landas ng iyong mga utos. (R.)
5. Ginagabayan mo kami sa matuwid at mapayapang landasin; ipagkaloob mo na mamasdan namin ang iyong mukha sa kalangitan. (R.)

PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Punong tagapagdiwang:
Ama naming makapangyarihan, ipinakikita mo sa lahat ng pagmamahal sa iyo ang iyong awa, at di ka malayo sa mga neghahanap sa iyo. Manatili ka naming kapiling sa aming paglalakbay kasama ng mahal na birheng Maria.Ipailalim mo kami sa iyong pangangalaga sa aming paglalakbay hanggang
sumapit kaming matiwasay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
B- Amen.

Punong tagapagdiwang:
Sumainyo ang Panginoon
R. At sumaiyo rin.


Nawa'y patnubayan at pangunahan ng Panginoon ang ating paglalakbay puspos ng kaligtasan.
R. Amen
Nawa'y samahan tayo ng Panginoon sa ating bawat hakbang.
R. Amen
Nawa'y matiwasay na magtapos ang paglalakbay na sa ngalan niya'y ating sinisimulan.
R. Amen

At ang pagpapala ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak at Espiritu Santo ay manaog nawa at mamalagi sa inyo magpasawalang hanggan.
R. Amen.


Aawitin ang Stella Maris.

No comments:

Post a Comment