Pages

Tuesday, February 9, 2016

ANG BAGONG ISTASYON NG KRUS

                                                       


PAMBUNGAD NA PANALANGIN

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
S. Amen.

Panginoong Hesus, pinupuri ka namin at pinasasalamatan sa ginawa mong mga paghihirap para sa amin. Nawa'y sa pagsasagawa namin ng Via Crucis na ito lubos naming maunawaan at maramdaman din ang naramdaman mo. Sa pagtanaw ng utang na loob sa ginawa mong ito, pinagsisihan namin ang aming mga kasalanan at mabago nawa namin ang anumang gawaing nakapagbibigay ng bigat, sakit at hirap na di- nanas mo upang matubos kami sa kasalanan. Batid namin ang iyong dakilang pagmamahal sa amin. Dahil sa pag-ibig mo kami ay buong pusong nagsisisi sa mga salang nagawa namin dahil ang lahat ng ito ay labag sa iyong kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesuskristo, ang kordero ng bago at walang hanggang tipan. Amen.

Unang Istasyon
ANG HULING HAPUNAN


N. Sinasamba at pinupuri kanamin, O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (1 Cor 11:23-26)

Ito ang katuruang tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong
gabing siya'y ipagkanulo, ang Panginoong Hesus ay dumampot ng tinapay at nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin." Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, "Ang kopang ito ay ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin." Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling
pagparito.


Pagninilay

Ang larawan ng Huling Hapunan ang naghahanda sa atin upang harapin ang hirap at sakit ng Krus patungo sa luwalhati ng Pagkabuhay. Ang sakripisyo ni Hesus sa krus ay ang sakripisyo sa Banal na Eukaristiya. Ang Eukaristiya ang nagbibigay lakas sa atin habang pinapasan natin hng mga krus ng ating buhay at nagdudulot sa atin ng pag-asa para sa hinaharap. Sinusubaybayan natin ang landas ni Kristo, at sasaksihan natin ang kanyang pagkilos mula sa kanyang pakikipag-kapwa sa kanyang mga kaibigan hanggang sa kanyang pag-iisa at kalungkutan sa kanyang kamatayan patungo sa tagumpay at ligaya ng Pagkabuhay..

Panalangin

Makapangyarihang Ama, noong gabi bago siva ipagkanulo ipinakita ng iyong Anak sa kanyang mga alagad kung hanggan; saan ang kanvang pag-ibig sa kanila. Ang banal na eukaristiya;ang tanda at patunay ng di magwawalit na pag-ibig at pangako ng buhay na daratnan namin sa langit. Tulutan mo na sa biyaya ng iyong Diwang banal kaming nagdiriwang ng mga misteryo ni Kristo sa lupang papanaw, ay mapakinabang sa hapag ng masaganang buhay sa bayang aming ngayong tinatanaw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesuskristo, ang kordero ng bago at walang hanggang tipan Amen.

Ikalawang Istasyon
SA HALAMANAN NG GETSEMANI


N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Lc 22:39-42,44-45)

Gaya ng kanyang kinagawian, umalis si Hesus at nagpunta sa Bundok ng mga Olibo
kasama ang mga alagad. Pagdating doo'y sinabi niya sa kanila,"Manalangin kayo upang
hindi kayo madaig ng tukso."

Lumayo siya sa kanila, mga isang pukol ng bato ang layo, at doo'y lumuhod at nanalangin. Sabi niya, " Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo." Dala ng matinding hinagpis, siya'y nanalangin nang lalong taimtim, at pumatak sa lupa ang kanyang pawis na Parang malalaking patak ng dugo.

Pagkatapos manalangin, siya'y tumayo at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan ,niyang natutulog ang mga ito dahil sa labis na kalungkutan.

Pagninilay

Sa katauhan ni Kristo ng Getsemani na nakikibaka at puno ng hapis nakikita natin ang ating mga sarili tuwing dumaraan din tayo sa gabi ng sakit, ng pagkawalay sa mga kaibigan, ng katahimikan ng Diyos. Sinasabi na si Hesus ay "maghihirap hanggang sa wakas ng panahon: hindi tayo puwedeng
magtulug-tulugan ngayon sapagkat naghahanap siya ng kasama at karamay"(Blaise Pascal, Pensees, No. 555, ed. Brunswieg) tulad ng ilan sa atin na naghihirap dito sa lupa. Sa kanya rin natin makikita ang ating mga mukha, kapag ito ay basa ng luha at hinahagupit ng suliranin.

Ngunit ang pakikibaka ni Hesus ay hindi nagdudulot ng kawalan ng pag-asa at pagsuko, bagkus nag-uudyok para sa isang pagpapahayag ng pagtitiwala sa Ama at sa kanyang plano. Sa tagpong ito ng buhay ni Hesus, tanging ang panalanging "Ama namin" ang ipinapaalala sa atin ni Hesus: "Manalangin kayo na huwag madarang sa tukso... Huwag ang kalooban ko, kundi ang kalooban mo ang masunod." At dumating ang anghel ng aliw at kalakasan na tumulong kay Hesus na magsikap hanggang sa huling yugto ng kanyang pakikipamayan sa atin.

Panalangin

Ama naming mapagmahal, tinanggap ng iyong aanak ang pagtupad ng iyong kalooban. Sa isang hardin unang naganap ang kasaysayan ng Pagsuway ng aming unang mga magulang, sa hardin din matatapos ang kasaysayan ng kasamaan sa buong pusong pagtalima ng Anak ng Kadakilaan. Tulutan mo kaming mapuspos ng lakas ng banal na Espiritu upang aming sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit, hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong Aming tagapagligtas. Amen.

Ikatlong Istasyon
SI HESUS AY DINALA SA HUKUMAN NI PILATO


N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Mc 14:60-64,15:1)

Tumayo ang pinakapunong pari sa harap ng kapulungan
at tinanong si Hesus, "Wala ka bang isasagot sa paratang nila sa iyo?" Ngunit hindi umimik si Hesus at hindi sumagot ng anuman. Muli sivang tinanong ng pinakapunong pari, "Ikaw nga ba ang Kristo, ang Anak ng Mapagpalang Diyos?"

Sumagot si Hesus, "Ako nga. Makikita ninvo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng Makapangvarihan sa lahat. Makikita rin ninyo siyang dumarating na nasa alapaap ng kalangitan."

Pinunit ng pinakapunong pari ang kanyang kasuotan at sinabi, "Hindi na natin kailangan pa ng mga saksi! Narinig ninyo ang kanyang paglapastangan sa Diyos! Ano ang inyong desisyon?"

Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong pari, mga pinuno ng bayan, mga tagapagturo ng Kautusan, at iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at dinala kay
Pilato.

Pagninilay

Naudyokan ng opinyon ng marami, kumakatawan si Pilato sa ugali na karaniwan na sa lipunan natin ngayon: kawalan ng interes at pakialam at pagiging makasarili. Upung makaiwas sa panganib, kadalasang handa ang marami sa atin na yapakan at hamakin ang katotohanan at katarungan. Ang pag-uugaling ito ang nagpapamanhid sa ating kunsensya, kumikitil sa pagsisisi, at dumudungis sa pag-iisip. Ang kawalan ng pakialam ang unti- unting pagkamatay ng tunay na pagpapakatao.

Sa paghatol ni Pilato, nasaksihan natin ang masamang dulot ng kawalan ng pakialam. Katulad ng sinasabi ng mga Romano noong una, ang mali at walang pakialam na katarungan ay tulad ng sapot ng gagamba na bumibitag at pumapatay sa mga insekto, ngunit nakakayang sirain ng mga ibon sa lakas ng hagupit ng kanilang bagwis." Si Hesus, tulad ng mga mabababa sa daigdig na ito, walang kapangyarihang magsalita ay nabitag. At katulad ng ating nakagawian, si Pilato ay nakatingin sa
malayo, naghugas ng mga kamay at bilang pagpapalusot ay nagtanong: "Ano ang katotohanan?"


Panalangin

Ama naming mapagmahal, iniharap ang Hari ng mga hari sa hamak na kinatawan ng pinuno ng Roma. Ang isa ay makasarili at walang pakialam sa katotohanan at ang isa, na siyang katotohanan, ay hinatulan upang maligtas ang bayan sa kapahamakan. Ipagkaloob mong maisabuhay namin ang katotohanang magpapalaya sa amin upang ang arning mga buhay ay maging marapat na handog sa iyong dambana hanggang kami'y magsipag-alay ng walang patid na papuri sa kabila. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo ang dakila at kataas-taasang pari. Amen.

Ikaapat na Istasyon
ANG PAGHAMPAS KAY HESUS AT PAGPAPATONG NG
KORONANG TINIK


N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo,
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Mt 27:22-23, 27-29)

Sinabi sa kanila ni Pilato, "Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Hesus, na tinatawag na Kristo?" At sumagot ang lahat, "Ipako siya sakrus!" "Bakit? Ano ang nagawa niyang masama?" tanong ni Pilato. Ngunit la1o pang lumakas ang kanilang sigawan, "Ipako siya sa krus!"

Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa palasyo ng gobernador, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Siya'y hinubaran nila at sinuotan ng isang balabal na matingkad na pula. Kumuha sila ng sangang matinik, ginawa itong korona at ipinutong sa kanya. Pagkatapos, pinahawak sa kanyang kanang kamay ang isang tangkal ng tambo. Siya'y ininsulto nila, niluhud-luhuran at kinutya ng ganito, "Mabuhay ang Hari ng mga Judio!"

Pagninilay

Si Hesus av hinamak tulad ng isang batang tinutuya sa paglalaro ng hari-harian. Ngunit ang katotohanan, ang tinutuya ay tunay na Hari na ang dulot av kaligtasan. Katulad ng sinasabi ni Mateo sa kanyang Ebanghelyo (25:37-46), darating muli ang Hari ng mga hari at hahatulan ang lahat ng mga nagpapahirap, at titipunin niya sa kaluwalhatian hindi lamang ang mga pinahirapan, bagkus pati na rin ang mga dumalaw sa piitan, nagpagaling sa mga sugatan nagpakain sa mga nagugutom,
nagpa-inom sa mga nauuhaw, at iba pa.

Ngunit ngayon ang mukha na nagbagong-anyo at nagliwanag sa Tabor ay puno na ng pasa at sugat; Siya na "larawan ng kaluwalhatian ng Diyos"ay niyurakan at nawalan ng dangal. Ang Lingkod ng Panginoon ay itinalikod at sinugatan ng latigo habang ang nagdurugong mukha ay pinaglulurhan. Sa Kanya, sa Diyos ng luwalhati, ang kahinaan ng bawat nilalang ay nahahayag. Sa kanya, ang Manlilikha ng daigdig, nagkaroon ang bawat nilalang ng boses.

Panalangin

Ama naming lumikha, sa lahat ng nilikha, ipinutong mo ang korona ng pamamahala sa taong iyong nilalang ayon sa iyong sariling larawan. Pinalitan namin ang iyong kagandahang loob ng koronang tinik at malupit na hagupit para sa iyong anak na sa ami'y nagpakasakit. Tulutan mong aming marinig ang hibik ni Hesus sa kapwa naming nananabik, nang katarungan at pagpapatawad sa lahat ng naaapi, ang bagong buhay at paghilom ay madaling sumapit. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming dakilang hari Amen.

Ikalimang Istasyon
ANG PAGTANGGAP SA KRUS


N.Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Mt 27:31)

Matapos kutyain, hinubad nila ang balabal at muling sinuotan ng sarili niyang damit. Pagkatapos, inilabas siya upang ipako sa krus.

Pagninilay

Sa tagpong ito napisimula ang daan na ginugunita natin ngayon, ang Daan ng Krus na patungo sa bundok ng pagpapakasakit. Unti-unting binabagtas ni Hesus ang daan. Duduang at nanlulupapay ang katawan niyung binuhat ang bigat ng Krus. Ayon sa Tradisyon, tatlong beses nadapa si Hesus. Sinasalamin nito ang walang-hanggang kuwento ng mga kalalakihan at kababaihan na nakagapos sa gutom at kahirapan: mga mahihinang mga kabataan, ang matatanda at may sakit ang mahihina at mahihirap, sila na tila ba ninakawan ng kalakasan at pangarap.

Ang hirap na binagtas ni Hesus at ang kanyang ilang ulit na pagkadapa ay naglalaman din ng mga kuwento ng mga taong nag-iisa at nalulumbay, mga taong hindi binibigyan ng pagpapahalaga ng lipunan. Kay Kristo, pasan ang bigat ng krus, natin makikita ang sangkatauhang tinawag ni propeta Isaias na "daraing mula sa lupa, maririnig mo ang iyong tinig na nakakapangilabot, nakakatakot na parang tinig ng isang multo, at parang bulong mula sa alabok." (Isaias 29:4).

Panalangin

Ama naming makapangyarihan, pinasan ng iyong anak ang krus na dapat sa amin ay nakalaan. Sa aming pagbuhat ng aming mga krus, kami'y bigyan ng lakas at tibay ng loob. Tulutan mong sa pagsubok maging tila matibay na moog, lagi nawang bukas ang puso tulad ng dakilang mananakop. Matutunan nawa namin na ang krus ay hindi isang hadlang, bagkus ang hagdan tungo sa buhay na walang hanggan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng iyong Anak na aming tinutularan.Amen.

Ikaanim na Istasyon
ANG PAGKASUBASOB NI HESUS



N. Sinasamba at pinupuri ka namin O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus av sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Isaias 53:4-6)

"Tunay ngang inalis niyu ang ating mga kahinaan, pinagaling niya ang ating mga karamdaman. Subalit inakala nating iyo'y parusa ng Diyos sa kanya. Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya
siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.

Pagninilay

Sa ating pag-iisip, kailanman ay hindi madarapa ang Diyos. Ngunit sa pagkakataong ito, nasubasob si Hesus. Bakit? Hindi ito tanda ng kahinaan; ito ay tanda ng labislabis na pagmamahal para sa atin. Ang pagkasubasob ni Hesus sa bigat ng Krus ay nagpapa-alala sa atin na ang kasalanan ay mabigat
na pasanin. Ang kasalanan ang nagpapababa at sumisira sa atin. Ang kasalanan ang nagpaparusa at nagdudulot ng kasamaan sa atin. Ang kasalanan ay masama!

Sa kabila ng lahat, mahal pa rin tayo ng Diyos at ninanais niya na tayo ay mapabuti. Ang Kanyang pag-ibig ang nag-uudyok sa kanya na isigaw sa mga bingi, sa atin na hindi marunong makinig: "Talikdan ang kasalanan sapagkat ito ang sumisira sa iyo!Ninanakaw nito anq kapayapaan sa iyo, ang ligaya sa iyo; inihihiwalay ka nito sa buhay."

Panalangin

Ama naming mahabagin, bumagsak ang iyong Anak sa bigat ng kanyang pinapasan ngunit muli siyang bumangon upang kalooban mo ay sundan. Huwag nawa kaming susuko sa pagsubok na aming dinaraanan bagkus ay mas maging masigasig upang landas mo'y masundan. Sa aming kahinaan ang lakas mo ang aalalay, sa aming pagkaligaw kamay mo ang siyang gabay. Hinihiling namin ito Kay Kristong para sa amin ay nagsumikap. Amen.


Ikapitong Istasyon
TINULUNGAN SI HESUS NI SIMON CIRENEO


N.Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Mc 15:21)

Nasalubong nila sa daan ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon na taga-
Cirene na ama nina Alejandro kanya ang krus ni Hesus.

Pagninilay .

Ang Diyos ay patuloy na naghihintay sa atin sa daan ng buhay Kung minsan, kumakatok siya sa ating pintuan at humihiling na makibahagi sa ating hapag. Kung minsan, nakakasalubong natin siya, tulad ni Simon na taga-Cirene, at ito'y nagiging daan tungo sa pagbabagong buhay natin. Ito marahil ang dahilan kung bakit pinangalanan ni Marcos ang mga anak ni Simon na sina Alexander at Rufo, mga Kristiyano. Ito ay upang ipakita sa atin. ang biyaya ng pagbabago na tinanggap ni Simon sa 'di
inaasahang pagkasalubong niya sa Panginoon: ang biyaya ng pananampalataya. Si Simon ang kumakatawan sa pagsasama ng makalangit na biyaya at ng gawain ng tao. Sa huli, ipanakita sa atin ni Marcos ang isang tunay na alagad: "pinasan niya ang Krus ni Hesus."

Panalangin

Ama naming mapagmahal, sa pagod ng iyong Anak isang dayuhan pa ang umalalay. Tulutan mo kaming ngalan niya ang tinataglay ay maging handa ring umagapay sa lahat ng taong sa iyo ay nawalay. Kapus man ang dila upang ikaw ay pasalamatan tulutan mong ika'y aming paglingkuran kapag kapwa'y dinadamayan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng iyong Anak na sa lahat ay tumatanggap. Amen.

Ikawalong Istasyon
KINAUSAP NI HESUS ANG MGA BABAING TAGA- JERUSALEM


N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Lc 23:27-31)

Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang ilang babaing nag-iiyakan at
tumatangis dahil sa kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinabi,"Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo, darating ang mga araw na sasabihin ni1a, 'Mapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalang-tao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.' Sa mga araw na iyo'y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, 'Tabunan ninyo kami!' at sa mga burol, 'Itago ninyo kami!' Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang gagawin kapag ito'y tuyo na?"

Pagninilay

Hindi nangangahulugan na hindi pinansin ni Hesus ang mapagmahal na pananangis ng mga kababaihan, katulad ng kanyang pagkilala sa mga mabubuting gawa na kanyang tinanggap nang siya ay nangangaral pa. Sa pagkakataong ito, si Hesus pa ang nagpakita na pagmamalasakit sa paghihirap na sasapitin ng mga "kababaihan ng Jerusalem. Sa di kalayuan ay may naghihintay na unos na nanganganib na maminsala sa banal na lungsod.

Ang mga titig ni Hesus ay nakatuon sa makaiangit na paghahatol na darating sa kasamaan at kawalan ng katarungan. Nababahala si Hesus sa dalamhati na sasapitin ng mga kababaihang ito sa oras na kumilos ang Diyos sa kasaysayan ng tao. Ngunit ang kanyang mga salita na naghuhudyat ng
naiimbing lagim ay hindi nagdudulot ng paghihirap at kamatayan ayon sa mga propeta, bagkus pagbabago at buhay: "Lumapit kayo kay Yahweh at kayo'y mabubuhay... Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga, makikigalak pati mga binata't matatanda; ang kanilang dalamhati ay magiging tuwa, aaliwin ko sila at papalitan ng kagalakan ang kanilang kalungkutan" (Amos 5:6; Jeremias 31:13).

Panalangin .

Ama naming makapangyarihan, pinayapa ni Hesus ang damdamin ng mga bababeng sa paghihirap niya ay nakiramay, hayaan mong pagaanin din namin ang kalooban ng mga taong aming kalakbay. Matanto nawa namin na ang tunay na kapahamakan ay ang mga taong bingi sa tawag ng kapwa at ang puso ay guwang. Ikaw nawa'y aming makita sa kapwa naming hikahos at baon sa dusa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng iyong Anak na kapavapaan ng lahat. Amen.

Ikasiyam na Istasyon
SI HESUS AY INALISAN NG MGA DAMIT AT IPINAKO SA KRUS

N. Sinasamba at pinupuri ka namin O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Lc 23:33-35)

Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila siHesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. Sinabi...ginagawa: Sinabi ni Hesus, " Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."

Pinaghati-hatian ng mga kawal ang damit ni Hesus.Sila'y nagpalabunutan upang malaman kung kai-kanino mapupunta ang bawat kasuotan niya.

Ang mga tao nama'y nakatayo roon at nanonood, habang si Hesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila, "Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga ang Kristo na hinirang ng Diyos!"

Pagninilay

Sa ila1im ni Hesus na nakabayubay sa krus av ang mga taong- bayan na nagkatipon upang masaksihan ang malagim na pagpapako sa krus. Sila at tanawin ng kababawan, ng maling kuryosidad, ng paghahanap ng makapagpapasabik. Ito ay larawan na maihahalintulad din natin sa ating lipunan ngayon: isang lipunan na naghahanap ng makapagpapasabik sa kanila tulad ng isang droga na maaaring makapagpagising sa nanamlay na kaluluwa, sa namamanhid na puso, sa nagdidilim na pag-iisip.

Sa ilalim ng krus, naroon din ang karahasan ng mga lider at kawal na sa kanilang katigasan ng puso ay may kakanyahan na bastusin ang paghihirap at kamatayan sa pamamagitan ng kanilang panunuya: "Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili!" Hindi nila batid na ang nakauuyam na panlilibak nila at ang titulo na nilagay nila sa taas ng krus - Ito ang Hari ng mga Judio"-ay ang katotohanan. Subalit hindi bumaba si Hesus. Hindi niya hahayaan na nagbubulag-bulagang sumunod sa panghihimok na gumawa ng himala; gagawin lamang niya ito sa pamamagitan ng pananampalatayang malaya at pag-ibig na totoo. At sa nakapanghihilakbot na kahihiyang sinipit niya at sa kanyang kawalan ng kapangyarihan sa kamitayan, binuksan niya ang pinto ng luwalhati at buhay at inihahayag ang kanyang sarili bilang Panginoon at Hari ng kasaysayan at daigdig.


Panalangin


Ama naming maawain, ibinuka ni Hesus ang kanyang kamay upang tanggapin ang mga pako na dapat ay para sa aming nagsisuway. Mga kamay na gumabay, nagbasbas at nag-pagaling ngayo'y napapako upang kamtin ang kalayaan namin. Itulot mo ring aming maialay kamay naming bukas mabuting gawa ang taglay habang kami ay nabubuhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming manunubos.Amen.


Ikasampung Istasyon
ANG MAPALAD NA MAGNANAKAW


N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Lc23:39-43)

Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, "Hindi ba ikaw
ang Kristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami."  Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, "Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama
lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawi; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama'" At sinabi pa nito, "Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na." Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso."

Pagninilay

Umaalingawngaw sa ating mga puso ngayon ang kahilingan ng salarin:Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na." Tila ba ipinapaalala niya sa atin ang ating kahilingan: "Alagaan mo
kami Panginoon. Huwag mo kaming pababayaan' Magingtunay na kaibigin ka namin na nakikinig at gumagabay sa amin!"

Makahulugan ang tugon ng nakapakong si Hesus: Isasama kita ngayon sa Paraiso. Sa orihinal na konteksto, ang Paraiso ay naglalarawan sa atin ng malago at mabungang hardin. Ito ay
naglalarawan sa Paghahari ng liwanag at kapayapaan na ipinangaral ni Hesus. Ito ang hantungan ng ating pagpapagal sa kasaysayan, ito ang kaganapan ng buhay natin sa kasaysayan. Ito ang huling kaloob ni Hesus na bunga ng kanyang sakripisyo sa krus na nagbubukas sa atin tungo sa luwalhati ng
pagkabuhay.

Panalangin

Ama naming mapagkalinga, pangako mo ay nakatutuwa, bagong buhay. sa nagkasala paraiso sa nagpapakumbaba. Makita nawa namin sa hamak na magnanakaw na ang langit ay nakakamit din, maging ng mga dating ang hanap ay layaw. Ituro mo sa amin ang landas ng pagbabago, mamuhay ng
marapat, isuko ang buhay para kay Kristo. Upang pagkaparam ng lupang aming ginagalawan makamtan din namin ang pangakong binitiwan. "Sinasabi ko sa iyo ngayon di'y isasama kita sa paraiso." Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na nagpatawad sa lahat ng tao. Amen.

Ikalabing-isang Istasyon
ANG MAHAL NA BIRHEN AT SI SAN JUAN SA PAANAN NG KRUS

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Jn 19:25-27)

Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, Ina, ituring mo siyang sariling anak! At sinabi niya sa alagad, Ituring mo siyang iyong ina! Mula noon sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Hesus.

Pagninilay

Si Maria ay muling naging isang ina. At ang kanyang mga anak ay ang mga taong tulad ng "minamahalna alagad," ang lahat na sumusukod sa mantel ng mapanligtas na biyaya ng Diyos ang
sumusunod kay Kristo na puno ng pananampalataya at pag- ibig.

Sa mga sandaling ito, hindi na nag-iisa si Maria. Siya ay magiging Ina ng Simbahan na binubuo ng iba't ibang lahi sa iba't ibang panahon.Kasama siya, tayo ay patuloy na maglalakbay sa buhay na ito.


Panalangin

Ama naming lumilingap sa lahat, aming makikita sa paanan ng krus ng iyong Anak, kanyang inang ginigiliw at minamahal na alagad. Bagaman nagdurusa sa hapis ay sagana di sila lumisan di natakot sa nakita. Bagkus isinama puso nila at kaluluwa, sa pag-aalay ng iyong Anak na siyang tutubos sa sala. Iyong marapatin amin ding marating ang antas ng pag-ibig ni Mariang ina rin namin. Sa pangangalaga ni Apostol San ]uan kami nawa'y lumingap din sa aming inang bayan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng anak ni Maria ang aming Panginoong Hesukristo. Amen.

Ikalabing dalawang Istasyon
ANG PAGKAMATAY NI HESUS SA KRUS



N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Lc 23:44-46)

Nang magtatanghaling- tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong lupain. Nawalan ng liwanag ang araw at ang tabing ng Templo'y napunit sa gitna Sumigaw nang malakas si Hesus, " Ama, sa mga kamay, mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!" At pagkasabi nito,nalagot ang kanyang hininga.

Pagninilay

Kahit sa tayog ng krus, habang inihihinga ni Hesus ang kanyang huling hininga, hindi pa rin naniniwala ang kanyang pagiging Anak ng Diyos. Sa sandaling ito, ang lahat ng makalupang karanasan ng paghihirap at kamatayan ay aakuin ng Diyos. Ito ay pagniningningin ng walang-hanggan, ang binhi ng pangako ng buhay na walang hanggan ay ipapaloob dito at mangingibabaw.

Bagaman isang trahedya ang kamatayan, ito ngayon ay nagkaroon ng bagong mukha: ito ngayon ay may mga mata na natutulad sa ating Ama sa langit. Ito ang dahilan kung bakit sa huling yugto ng kanyang hininga, nawika ni Hesus: "Ama, sa iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking espiritu!" Akuin din natin ang panawagang ito; ang panawagan na winika sa atin sa tula ng isang manunula: "Ama, hayaan mong ang mga daliri mo ang magpapikit sa aking mga mata. Ikaw na aking Ama, masdan mo ako tulad ng isang Ina na nasa tabi ng kanyang nahihimbing na anak. Ama, kunin mo ako at yakapin."

Panalangin

Ama naming mapagmahal, naganap na ang pag-aalay, huling hininga ng iyong Anak, ang rninimithing sandaii ng tagumpav. Ang kurtina ng templo av lubos na nalvahak, ang kadustaan ng tao napanumbalik nivang ganap. Naputol nang lubusan ang kapangyarihan ng kasamaan nagsisimula na ang araw ng kaligtasan. Bagaman mukhang sawi sa sugat na tinamo, ito ang tanda ng kaligtasan ng tao. Aming Amang lubos kabanalan iyong ipagkaloob sa kamatayan ng iyong Anak nais rin naming
magpasakop. Matapos na nawa ng kanyang kamatayan, ang mga hangad naming taliwas, puno ng kasalanan. Mamuhay nawa kami upang papurihan, kanyang sakripisyo sa ami'y inilaan. Panginoong Hesus pastol ng kawary kaawaan mo kaming mga makasalanan Amen

Ikalabing tatlong Istasyon
SI HESUS AY INIHATID SA LIBINGAN

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Mt 27:57-60)

Pagsapit ng dilim, dumating si Jose, ang isang mayamang taga-Arimatea na tagasunod din ni Hesus. Hiningi niya kay Pilato ang bangkay ni Hesus, kaya't iniutos ni Pilato na ibigay ito kay ]ose. Nang
makuha na ang bangkay, binalutan niya ito ng malinis na tela ng lino. Inilagay niya ito sa kanyang bagong libingan na ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuah ang isang malaking batong panakip, at saka umalis.

Pagninilay

May mga pagkakataon na ang buhay ay parang isang mahabang Sabado de Gloria. Tila ba dumating na ang wakas, nagtagumpay na ang kasamaan, at naging mas makapangyarihan ang kasamaan kaysa kabutihan. Ngunit pinatatanaw sa atin ng mata ng pananampalataya na sulyapan ang darating na bagong umaga. Pangako ng pananampalataya na ang huling salita ay sa Diyos: sa Diyos lamang! Ang pananampalatayang ito ang maliit na lampara na nagbibigay sa atin ng liwanag sa dilim ng gabi; at ang liwanag nito ang unti-unting hahalo sa liwanag ng bagong araw, ang Araw ng Nabuhay na Kristo. Kung kaya, ang kuwento ng Biyernes Santo ay hindi natatapos sa libingan, ito ay muling sisiklab tungo sa Linggo ng Pagkabuhay.

Panalangin

Ama naming mahabagin dinala sa libingan ang walang buhay na katawan nang tagapagligtas ng tanan. Sa kanyang kapanganakan ginamit niya'y isang hiram na kweba, sa kanyang kamatayan ay isa ring hiram na libingan. Ipinakita mo sa amin ang tunay na mahalaga hindi ang mawalan ng panlupang yaman kundi ang mawalan ng kaluluwa. Humimlay sa kamatayan ang iyong pinakamanrahal na Anak subalit di magtatagal bagong buhay ay sisikat. Ang mahal na ina ngayon may nagdadalamhati itoy mapapalitan ng matamis na ngiti. Lakas ng loob aming hinihingi sa pagbagtas sa bayang
sinilangan ng aming lipi, anuman ang harapin kami'ymakatitiyak, sa pag-asa ng tagumpay handog ng iyong Anak. 

Ikalabing-apat na Istasyon
ANG MULING PAGKABUHAY NI HESUS

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.
S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Mt 28:1-2, 5-6)

Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, sa pagbubukang-liwayway nang unang araw ng sanlinggo, lumakad si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan ni Hesus. Biglang lumindol nang malakas.Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw nivon. Ngunit sinabi ng anghel sa mga babae, "Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito sapagkat siya'y muling nabuhay gaya ng kanyang sinabi. Halikayo't tingnan ninyo ang pinaglibingan sa kanya.

Pagninilay

Ang mga babae na dumalaw sa libingan noong Linggo ng Pagkabuhay ang unang nakabatid ng mabuting balita ng Pagkabuhay. Ito marahil ay dahil sila ang huling nanindigan sa paanan ng Krus at huli sa mga nawalan ng pag-asa. Hanggang sa ang huling nakabatid ay ang nagdududang si Tomas na naniwala na sa mabuting balita ng Pagkabuhay. Hindi sila nakakita ng multo o bunga lamang ng kanilang imahinasyon' Nahawakan nila ang mga sugat sa kamay ng Panginoon.

Hindi binabanggit ng mga ebanghelvo na si Hesus ay nagmula sa libingan. Ibinabalita lamang nila ang mga pagkikita ng mga alagad at ng Panginoon. Dala ng masidhing kaligayahan, ang mga alagad ang nagbalita sa iba hinggil sa Nabuhay na Kristo. At dahil sa kanila, magpahanggang ngayon nakikilala natin ang Panginoong muling nabuhay. Dahil dito, makahulugan para sa atin ang sinabi ni San Agustin, "Si Hesus ay naglaho sa ating mga puso."

Panalangin 

Ama naming makapangyarihan, ang pagkabuhay ng iyong Anak ay nagdala sa sanlibutan ng tunay na galak. Ang lilim ng kamatayan ay napawing ganap ang araw katigtasan ay lubos na sumikat. Ang liwanag ng kanyang pagkabuhay na mag-uli ay nawa'y magpabago sa buhay' naming sawi.Wala nang
kasalanan wala na rin ang kamatayan ito ang biyaya ng buhay sa kalangitan. Tulutan mong mabuhay kaming nananalig kapayaan mo'y maghari sa mundong puno ng ligalig. Isugo mo
kami bilang saksi ng iyong tagumpay ipahayag ang ebanghelyo
sa kapwa ay dumamay. Upang sa aming paglisan sa lupang
papanaw aming ding madatnan bagong buhay na tinatanaw.
Amen.

PANGHULING PANALANGIN

Panginoong Hesus, sa pagninilay-nilay namin sa daan ng krus
na dinaanan mo ay napagtanto namin ang mapait na bunga ng
aming nagawang pagkakasala. Ang mahal mong Dugo ang
naging kabayaran para mapalaya kami sa pagkaalipin ng
kasalanan. Ang buong buhay mo ay kapalit ng iyong pagliligtas
sa sangkatauhan. Tulutan mo kaming maisabuhay ang iyong
magandang halimbawa, ngunit ito ay magagawa lamang namin
sa tulong mo. Wala kaming magagawa sa aming sariling
pagkukusa kung hindi mo kami aalalayan.

N. Salamat, Panginoon, sa ginawa mong pagliligtas sa amin.
S. Salamat, Panginoon!

N. Salamat, Panginoon, sa pagpapatawad mo sa aming mga
kasalanan.
S. Salamat, Panginoon! 
N. Salamat, panginoon, sa ipinakita mong pagmamahal sa
aming lahat.
S. At gabayan mo kami sa buhay na walang hanggan. Amen.

Ama namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati sa Ama...

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
S. Amen.



1 comment: