Pages

Tuesday, February 9, 2016

ANG PAGBABASBAS SA PAGBALIK NG MGA MANANAMPALATAYA MULA SA BANAL NA PAGLALAKBAY



PANIMULA

Maaring gamitin ang pagdiriwang na ito sa pagsapit ng mga tao mula sa banal na paglalakbay ng parokya.Sisimulan ang pagdiriwang pagsapit sa loob ng simbahan.

Punong tagapagdiwang:
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
R.Amen.

Punong tagapagdiwang:
Ang Diyos na pinagmumulan ng ating pag-asa at kaligtasan, nawa'y pumuspos sa inyo ng kapayapaan at kagalakan ng Espiritu Santo.
R. At sumainyo rin. Magbibigay ng ilang salita ang punong tagapagdiwang.

Punong tagapagdiwang:
Nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa paglalakbay na matiwasay at puno ng biyaya.
Napuntahan na natin ang mga banal na pook na humahamon sa ating paghusayin ang pagbabagong buhay. Sa ating pag-uwi dito sa ating parokya na puspos ng pananampalataya, marapat lamang, na mamuhay tayo ngayon sang-ayon sa turo ng Mabuting Balita. Binigyan tayo ni Kristo ngayon ng misyon upang ipahayag ang kabutihang ipinamalas niya para sa lahat.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay
Timoteo (4,6-8,17-18)

Pinakamamahal, ako'y iaalay na; dumating na ang oras ng pagpanaw ko sa buhay na ito. Puspusan akong lumaban sa paligsahan. Natapos ko na ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya. Kakamtan ko na ang korona ng pagtatagumpay. At sa araw na yaon, ang Panginoon na siyang makatarungang hukom, ang magpuputong sa akin ng korona, hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa muli niyang pagparito. Ngunit pinatnubayan ako ng Panginoon
at binigyan ng lakas upang maipahayag sa mga Hentil ang salita; naligtas ako sa tiyak na kapahamakan. Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin sa kanyang kaharian sa langit. Purihin nawa siya magpakailanman! Amen.
Ang salita ng Diyos.

R. Salamat sa Diyos

PANALANGIN NG BAYAN

Namumuno:
Minarapat ng Diyos Ama na manahan sa ating piling ang kanyang bugtong na Anak. Marnlangin tayo na puno ng Pag-asa at pananampalataya.

KAMI'Y IYONG KAHABAGAN, PAGPALAIN ANG IYONG BAYAN.

1. Amang banal, niloob mong maglakbay ang mga Israelita mula sa Ehipto, pagtubayin mo ang aming katapatan sa amin namang pagtahak sa landas ng katotohanan. (R.)

2. Ipinahayag mo sa amin na sa lupang ibabaw ay wala kaming lungsod na magtatagal, marapatin mong hanapin namin ang lungsod na di lilipas sa kalangitan. (R.)

3. Itinuturo mo na masdan namin ang mga tanda na iyong iniwan sa daan tiitang patunay ng iyong kadakilaan, bigyan mo kami ng biyaya na matulad sa mga disipulo sa Emmaus, na makilala ang iyong Anak na kapiling namin sa aming bawat hakbang. (R.)

4. Ginagabayan mo ang iyong Simbahang naglalakbay sa pamamagitan ng Espiritu Santo, hanapin ka nawa namin at lumakad sa landas ng iyong mga utos. (R.)

Darasalin ang Ama namin.

PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Punong tagapagdiwang:
Kapuri-puri ka Diyos Ama ng aming Panginoong Hesu-kristo. Mula sa lahat ng lahi ng sangkatauhan humirang ka ng isang bayang nagnanais tumupad sa mga atas mo. Ang iyong biyaya ang nagtulak dito sa aming mga kapatid na ibigin ka na buong puso at paglingkuran ka ng tapat. Iniluluhog naming pagpalain mo sila upang sila'y makapagpatunay sa iyong di nagmamaliw na paggabay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
R. Amen.

Punong tagapagdiwang:
Sumainyo ang Panginoon

R. At sumaiyo rin.
Nawa'y ang Panginoon ng langit at lupa, na sumama sa inyo sa banal na paglalakbay na ito ay panatiliin kayong nasa ilalim kanyang pagkakandili.
R. Amen

Nawa'y ang Diyos na nagtitipon ng lahat ng magkakahiwalay
niyang mga anak kay Kristo Hesus ay magkaloob sa inyo ng
kaisahan sa puso at isipan.
R. Amen

Nawa'y ang Diyos na nagpapalakas sa inyo sa magandang
hangarin ay pagpalain ang lahat ng inyong papapagal.
R. Amen.

At ang pagpapala ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak + at Espiritu Santo ay manaog nawa at mamalagi sa inyo magpabawalang hanggan.

R. Amen.

No comments:

Post a Comment