Pages

Tuesday, February 9, 2016

ANG PAGDIRIWANG NG PRUSISYON



Tutungo ang pari at mga tagapaglingkod sa harap ng simbahan kung saan sa patio o lugar na nararapat,maayos na nakapila ang mga gagamiting karosa ng mga imahen na isasama sa prusisyon.

Presider:
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo
R. Amen

Mga kapatid ang prusisyon ay isang tradisyon na nagpapahiwatig ng ating paglalakbay tungo sa kaganapan ng buhay. Si Kristo Hesus ang ating pinuno kaya sa prusisyon ating sinusundan ang kanyang bandera ng tagumpay, walang iba kundi ang krus ng kaligtasan. Ang mga imahen ng mga banai ay nagpapaala-ala sa atina n hindi tayo nag-iisa at sila ang ating kaagapay sa pagsunod kay Hesus. Tumawag tayo sa Panginoon upang ipagkaloob niya ang mga biyaya sa ating mga pamilya at
sa ating bansa.

Magbangon ka O Panginoon at saklolohan mo kami, iadya mo kami alang-alang sa iyong pangalan.
R. Narinig namin O Diyos ang lahat ng isinalaysay ng aming mga ninuno

Luwalhati sa Ama sa Anak at sa Espiritu Santo
R. Kapara noong urumg-una ngayon at magpakailanman,
magpasawalang-hanggan. Amen.

Humayo tayo sa kapayapaan ni Kristo.

Una ngayong lalabas ang mga lingkod ng Dambana na tangan ang ceriales. Susunod ang mga taong may tangan na kandila. At pagkatapos ay lalabas ang mga karosa na tangan ang mga ibat-ibang imahen na nagpapakaita ng mga eksena sa buhay ng Panginoon at mga Santo na may mahalagang papel sa kasaysayan ng pagpapakasakit ng Panginoon.

Kapag Miyerkules Santo maaaring may banda ng musiko na umagapay sa prusisyon.

HANAY NG MGA IMAHEN KAPAG MYERKULES SANTO

San Pedro
San Andres
San Felipe
Santiago
Santo Tomas
San Bartolome
Santiago ni Alfeo
San Judas Tadeo
San Simon
San Mateo
San Markos
San Lukas
San Lazaro

Ang mga eksena (Paso) sa ministeryo ng Panginoon

Ang pagbibinyag sa ilog Jordan
Ang pagtukso sa disyerto
Ang kasalan sa Cana
Ang pagpapakain sa limang libo
Ang babaeng samaritana sa balon
Ang pagbabagong anyo sa bundok ng tabor
Ang pamamaalam ng Panginoon sa kanyang ina.

Ang mga eksena (Paso) sa pagpapakasakit ng Panginoon

Ang pagpasok sa Jerusalem nakasakay sa isang bisirong asno.
Ang huling hapunan
Ang paghuhugas ng mga paa ng mga alagad
Ang pananalangin sa halamanan ng Getsemani
Ang paghahampas na nakatali sa haliging bato
Senor dismayado
Ang pagpuputong ng koronang tinik
Senor dela paciencia
Ang pagharap kay pilato
Ecce Homo
Ang pagbuhat ng Krus
Ang unang pagkadapa
Nakasalubong ni Hesus si Veronica
Ang ikalawang pagkadapa
Tres caidas
Ang paghuhubad ng damit
Ang pagpapako sa krus
Ang ekesena ng pagkabayubay sa krus
Santa Marta
Sta. Veronica
Sta. Maria Cleofe
Sta. Salome
Sta. Juana ni Cusa
Sta. Maria Magdalena
San Juan Ebanghelista
Mater dolorosa

HANAY NG MGA IMAHEN SA BYERNES SANTO

Kristong nakabayubay sa krus (patay)
Ang eksensa ng pagbaba sa krus
Pieta
Krus na may nakasabit na puting tela
Ang pagbubuhat sa bangkay ni Hesus tungo sa libingan.
Ang Santo Entierro
Sta.Veronica
Sta.Salome
Sta Maria Cleofe
Sta Marta
San Jose ng Arimatea
San Nicodemo
Sta.Maria Magdalena
San Juan Ebanghelista
Mater Dolorosa


2 comments:

  1. Casino - Las Vegas, NV - MapYRO
    The Hotel Lobby at the Palazzo Las Vegas Casino offers 1,400 slots 서울특별 출장안마 and 5,000 slot machines and 100 table games, with more than 500 slot machines, including 2,700 Location: 9.1 Rating: 7.3/10 · ‎20 votes · 세종특별자치 출장마사지 ‎Price 사천 출장안마 range: $31-60How do I get to the Palazzo at 경주 출장마사지 The Palazzo?What is the location of the hotel 용인 출장샵 lobby at The Palazzo?

    ReplyDelete