Pages

Tuesday, February 9, 2016

ANG PITONG HULING WIKA



Tutungo ang mga tagapaglingkod mga pamilyang gaganap sa ilang bahagi ng siete palabras at ang mga magbabahagi sa pitong salita patungo sa dambana. Pagsapit sa harap sila ay magbibigay pugay ayon sa nakagawian at sisimulan ang pagsiriwang sa mga sumusunod an salita. Tatayo ang lahat.

Punong tagapagdiwang:
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo
R. Amen

Mga kapatid sa mga sandaling ito na ang Panginoon ay nakabayubay sa krus alalahanin natin ang kanyang pitong huling Salita mga salita na nagmula sa kanya na Salitang nagkatawang tao, mga huling habilin ng isang tunay na kaibigan sa kanyang mga alagad huling buntong hininga ng pagsuyo at awa alay sa sangkatauhang namisa sa ingay ng sariling kabuktutan.
Manatili tayo sa paanan ng krus na ating kaligtasan at pakinggan ang hibik ng walang hanggang pag-ibig.

Awit
Dakilang pag-ibig saan man manahan
Diyos ay naroroon walang alinlangan
Hinirang tayo sa pagmamahal
ng ating Poong si Hesus
tayo ay lumigaya sa pagkakaisa
sa haring nakapako sa krus

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Amang mapagmahal, puspuin mo ang aming mga puso ng liwanag ng iyong Espiritu, upang sa aming pagmumuni-muni sa mga hulihg sandali ng buhay ng iyong Anak, matanto nawa namin ang kabayaran para sa aming katubusan at kami'y mapagindapat sa bunga ng iyong pagpapakasakit kamatayan at muling pagkabuhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.
R.Amen.

Uupo na ang lahat at sisimulan ang pagninilay sa unang salita.

I
AMA PATAWARIN MO SILA SAPAGKAT HINDI NILA
NALALAMAN ANG KANILANG GINAGAWA

PAGSISINDI NG ILAW: (Anak)

"Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo, ipinako nila sa Krus si Hesus. Ipinako rin ang dalawang salarin, isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa. Sinabi ni Hesus Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."(Lucas 23:33-34)

Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa.

PAGNINILAY

PAGLUHOG (Ama)

Luluhod ang lahat

Hesus aming kanlungan turuan mo kami sa landas ng pagkakasundo:

R. Panginoon turuan mo kaming magpatawad.

N. Sa mga sandaling nakalimutan namin na kami rin ay tumanggap din ng pagpapatawad sa iyo at nahihirapan kamiang magpatawad ng iba. (R.)

N. Sa lahat ng panahon at talento na sinayang namin dahil sa aming pagrglng sakim at walang pakundangan sa aming mga ginagawa. (R.)

N. Sa pagmamarunong namin at pagpupumilit na isulong ang mga baluktot naming katwiran laban sa iyong mga utos.(R.)

PANALANGIN (Mag-anak)

Panginoong Hesus pinili mong yakapain ang krus upang ituro sa amin ang daan ng pakikipagkasundo. Bagaman di kami karapatdapat sinuklian mo ng pag-ibig ang aming mga kataksilan ng pagpapatawad ang aming kasamaan. Hinihimok mo kaming ngayong magpatawad kung papaanong ikaw din ay nagpatawad sa lahat ng umalipusta at nagpako si iyo sa krus. Ipinakita mo ang kapangyarihan na tatapos magpakailanman sa poot at karahasan ang lakas ng pagpapatawad.Muli mong ibinunyag na ang landas ng kapayapan at pag-ibig ang tanging magpapabago sa sanlibutan. Magdalang awa ka sa iyong mga lingkod. Turuan mo kaming mamuhay at kung kailangan ay
mamatay para sa pag-ibig

R. Amen.
Uupo ang lahat at aawit ang Koro.

II
SINASABI KO SA IYO NGAYON DIN
AY ISASAMA KITA SA PARAISO

PAGSISINDI NG ILAW (Anak)

Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, "Hindi ba ikaw ang Mesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!" Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasaMa, "Hindi ka ba natatakot sa Diyos? ikaw ma'y pinarurusahang tulad niya! Matuwid lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama." At sinabi niya, "Hesus alalahanin mo ako kapag naghahari ka na." Sumagot si Hesus, "sinasabi ko sa iyo: ngayon di'y isasama kita sa paraiso." (Lucas 23:39-43)

Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa.

PAGNINILAY

PAGLUHOG (Ama)

Luluhod ang lahat 
Hesus sa mga pagkakataong nakalimutan naming may mas maganda pa kaming masusumpungan kaysa sa mundong ito na lilipas:

R. Panginoon isama mo kami sa paraiso.

N. Sa mga pagkakataong namuhay kami na parang wala na kaming inaasam na langit. (R.)

N. Sa mga pagkakataong tinignan lamang namin ang aming paghihirap at hindi nakita ang mas malaking paghihirap at kawalan ng katarungan para sa iba. (R.)

N. Sa mga panahong sinisi ka namin sa kapahamakang kami rin ang pinagmulan. (R.)

PANALANGIN (Mag-anak)

Panginoong puspos.ng karunungan liwanagan mo ang aming mga pag-iisip. Matanto nawa namin na ang tunay na kaligayahan ay masusumpungan lamang sa iyong piling at di sa anumang materyal na bagay. Buksan mo ang aming mga mata sa mga kamalian na bumulag sa amin mula sa iyong pamantayan. Ipabatid mo sa lahat ng nagkasala na may pag-asa pang makalaya mula sa tanikala ng kanilang nakaraan. Magising nawa anglahat sa katotohanan na ang tunay naming hantungan ay di ang mga kahariang aming itinatayo sa lupa bagkus ay ang iyong walang hanggang tahanan sa langit.

R. Amen

Uupo ang lahat at aawit ang Koro.

III
BABAE MASDAN MO ANG IYONG ANAK
ANAK MASDAN MO ANG IYONG INA

PAGSISINDI NG ILAW (Anak)

Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria na asawa ni Cleopas. Naroroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, "Babae narito ang iyong Anak!'at sinabisa alagad, "Narito ang iyong ina!" Mula noon, siya'y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay. (Lucas 19:25-27)

Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa.

PAGNINILAY

PAGLUHOG (Ama)
Luluhod ang lahat
Hesus sa mga sandaling pakiramdam namin kami ay nag-iisa.

R Panginoon ipakita mo si Maria na aming ina.

N. Sa mga pagkakataon na di namin pinahalagahan ang biyaya ng buhay lalo na sa kultura ng contraception at abortion. (R.)

N. Sa lahat ng sandaling nilapastangan namin ang aming mga magulang at ang inang simbahan. (R.)

N. Sa pagnanais ng yaman at katanyagan na humahantong sa pagiging palalo, bulaan at pagyurak sa dangal ng iba. (R.)

PANALANGIN (Mag-anak)

Hesus pinakamamahal na Anak ng Ama. Napatunayan namin na lubos ang iyong pag-ibig sa sangkatauhan sa pagkakaloob mo sa amin ng iyong ina. Kahit sa gitna ng iyong pagdurusa una mong inisip ang pangangailangan ng iba. Palakasin mo kami sa sandali ng aming kahinaan at kawalan ng Pag-asa upang tulad ni Maria manatili kaming nakatayo sa tabi ng krus mo. Tulutan mong lumago ang aming pananampalataya Pag-asa at pag-ibig na siyang ganap na makikita sa ina mo. Hayaan mong masambit namin sa kanya. "Mariang ina ko, ako rin ay anak mo kay Kristong kuya ko akayin mo ako." 
R. Amen.

Uupo ang lahat at aawit ang Koro.

IV
DIYOS KO DIYOS KO BAKIT NAMAN AKOY IYONG
PINABAYAAN

PAGSISINDI NG ILAW (Anak)

At nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon. Nang mag-iikatlo ng hapon" si Hesus ay sumigaw,"Eli Eli,lema sabachthani?" na ang ibig sabihi'y Diyos ko Diyos ko bakit naman ako'y iyong pinabayaan?" (Markos 15:33-34 )

Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa.

PAGNINILAY

PAGLUHOG (Ama)

Luluhod ang lahat

Hesus sa mga sandaling nawalan kami ng pag-asa.

R. Panginoon turuan mo kaming manalig sa iyo.

N. Sa mga pagkakataong kami ay naduwag nagwalang bahala at di kumilos laban sa katiwalian at maling gawi ng aming lipunan. (R.)

N. Sa mga pagkakataon na inilagay namin sa panganib ang aming pananampalataya dahil sa aming maling pamumuhay at pakikisangkot sa mga grupo o babasahin na di nagtuturo ng katotohanan. (R.)

N. Sa kawalan ng pag-ibig sa iyo at pagkapit sa huwad na pangako ng mundo. (R.)

PANALANGIN (Mag-anak)

Hesus tumawag ka sa iyong Ama hindi dahil sa iniwan ka niya bagkus upang ipakita kung papaanong kami ang malimit umiwan sa kanya na sa simula pa ay di mapapantayan ang pagkalinga at pagtataguyod sa sangkatauhan. Palakasin mo ang aming kalooban sa mga sandali ng aming pag-
aalinlangan at bigyan kami ng lakas upang muling yakapin ang mga krus na inihabilin sa amin, ang krus na magdadala sa amin sa wakas sa iyong piling. Hayaan mong masaksihan narrin na walang nagtiwala sa iyo na pinabayaan mo. Tulutan mong makita narnin ang kabila ng krus ni Kristo, ang Koronang nakalaan sa lahat ng tatalima sa iyo.
R.Amen.

Uupo ang lahat at aawit ang Koro.

V
AKOY NAUUHAW
PAGSISINDI NG ILAW (Anak)

Pagkatapos nito alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng kasulatan ay sinabi niya, "Nauuhaw ako." (Juan 19:28)

Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa.


PAGNINILAY

PAGLUHOG (Ama)
Luluhod ang lahat

Hesus sa bawat panahon na ang aming pag-ibig at-buhay ay tigang.

R. Panginoon pawiin nawa namin ang iyong uhaw.

N. Sa mga pagkakataong naging maramot kami at pinagkaitan ang aming kapwa ng hustisya. (R.)

N. Sa mga sandali na naging mapagsayang kami sa mga biyaya at talento na dapat ay pinakinabangan din sana ng iba. (R.)

N. Sa maraming beses na pinagmalupitan at inabuso ang mga kabataan, kababaihan mga taong mahina at walang kalaban-  laban, sa mga pamilyang nagkakawatak-watak dahil sa hindi pagkakaunawaan. (R.)

PANALANGIN (Mag-anak)

Hesus ikaw na lumikha sa lahat ng batis dagat at pinagmumulan ng tubig ay uhaw. Uhaw ka pa rin sapagkat ang makakapawi lamang ay ang pag-ibig ng tao. Naguumapaw ang iyon kabutihan subalit napakasalat ng aming utang na loob. Patuloy pa.rin ang iyong pagkauhaw, dahil sa kawalan ng katarungan ang patuloy na paglaki ng karahasan at paglapastangan sa lahat ng bagay na banal. Pag-alabin mo ang aming Pagnanasa na maging mga Kristiyanong hindi lamang sa pangalan bagkus pati sa gawa upang manariwa ang lahat ng bahagi ng mundo na tuyo na dahilan sa kawalan ng pag-ibig mo. Gamitin mo ang aming buhay upang maging pamatid uhaw at daan ng pagkakasundo ng lahat ng nag-aaway. O Hesus bukal ng buhay pawiin mo ang uhaw ng mga pusong matagal ng tigang at pagningasin ang mga pusong nanlalamig dahil sa kawalan ng kabanalan.
R. Amen.

Uupo ang lahat at aawit ang Koro.


VI
NAGANAP NA

PAGSISINDI NG ILAW (Anak)

May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, "Naganap na!" (Juan 19:29-30)

Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa.

PAGNINILAY
PAGLUHOG (Ama)
Luluhod ang lahat

Hesus sa pangingimi naming makilahok sa misyon ng iyong simbahan.

R. Panginoon magsugo ka ng mga bagong alagad.

N. Sa mga pagkakataong nakalimutan namin ang aming tungkulin na ipahayag sa lahat ng dako ang mabuting balita. (R.)

N. Sa aming pakikisangkot sa gawaing taliwas sa atas ng mabuting balita. (R.)

N. Sa mga sandaling naging hadlang kami upang sumampalataya ang iba. (R.)


PANALANGIN (Mag-anak)

Dakilang Ama, ang gawain ng kaligtasan ay nagnap na ng iyong Anak ngunit ang pagsasabuhay at pagsisiwalat sa lahat ng dako ukol sa kaliSasan ay bago pa lang nagsisimula. Panginoon sa pagdami ng mga sandata ng karahasan, gawin mo kaming mga instrumento ng kapayapaan, sa grtna ng dilim, mamuhay nawa kami sa liwanag ng iyong katotohanan. Sa gitna ng pagkakanya- kanya, maging saksi nawa kami ng pagkakaisa. Sa maraming gawain ng kasakiman gawin kaming daluyan ng pagbibigay. Sa di makatwirang pangangasiwa, ang karunungan ng iyong kagandahang loob. O Diyos na walang hanggan, humantong nawa sa kaganapan ang gawaing iyong napasimulan. Mapasaamin nawa ang iyong kaharian dito sa lupa para nang sa langit.
R. Amen.

Uupo ang lahat at aawit ang Koro:

VII
AMA SA IYONG MGA KAMAY INIHAHABILIN KO
ANG AKING KALULUWA
PAGSISINDI NG ILAW (Anak)

Nang mag-iikalabingdalawa ng tanghali, nagdilim sa buong lupain hanggang sa ikatlo ng hapon. Nawalan ng liwanag ang araw; at ang tabing ng templo'y napunit sa gitna. Sumigaw ng malakas si Hesus, "Ama sa mga kamay mo'y inihahabilin ko ang aking kaluluwa!" (Lucas 23:44-46)

Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa.

PAGNINILAY

PAGLUHOG (Ama)

Luluhod ang lahat

Hesus sa mga pagkakataong hindi namin maisuko ang lahat sa iyo.

R. Panginoon ibangon mo kami sa pamamagitan ng iyong kanang kamay.

N. Sa mga panahong hindi kami tumalima sa kalooban mo. (R.)

N. Sa sandali ng oras ng aming kamatayan. (R.)

N. Sa mga sandaling hindi namin isinuko ang lahat sa iyo. (R.)

PANALANGIN (Mag-anak)

Mapagmahal na Ama, amin ngayong pinararangalan ang puso ng iyong Anak, na sinaktan ng aming pagmamalupit, ngunit ngayo'y tanda ng tagumpay ng pag-ibig, at pangako kung saan ang lahat ng tao'y tinatawag. Turuan mo kaming makita si Kristo sa lahat ng taong tinatawag. Turuan mo kaming makita si Kristo sa lahat ng sandali ng aming buhay at kumilos upang paglingkuran siya sa kapwa. Mailagay nawa namin sa iyong mga kamay ang aming mga alalahanin ang mga plano sakinabukasan, ang aming nakaraan. Sa pagtatapos ng buhay namin,si Kristo nawa'y aming makapiling.

R. Amen.

Uupo ang lahat at aawit ang Koro:

STABAT MATER DOLOROSA

Stabat mater dolorosa
Iuxta crucem lacrimosa
Dum pendebat Filius.

Cujus animam gementem
Contristatam et olentem
Pertransivit gladius

O quam tristis et afflicta
Fuit illa benedicta
Mater unigeniti!

Quae maerebat et dolebat
Pia mater dum videbat
Nati poenas incliti.

Quis est homo qui non fleret
matrem Christi si videret tanto supplicio?
Quis non posset contristari,
Piam matrem contemplari
Dolentem cum Filio?
Pro peccatis suae gentis
Vidit lesum in tormentis
Et flagellis subditum.

Vidit suum dulcem natum
morientem desolatum
Dum emisit spiritum.
Eia, mater fons amoris,
Me sentire vim doloris fac
ut tecum lugeam

Fac ut ardeat cor meum in amando
Christum Deum ut sibi complaceam.


Sancta mater istud agas
Crucifixi fige flagas cordi meo valide
Tui nati vulnerati
tam dignati pro me pati
poenas mecum divide.
Fac me tecum pie flere
Crucifixo condolere
Donec ego vixero

Iuxta crucem tecum stare
Ac me tibi sociare
In plantu desidero.
Virgo virginum praeclara,
Mihi iam non sis amara:
Fac me tecum plangere.
Fac ut portem Christi mortem,
Passionis fac me sortem,
et plagas recolere.
Fac me plagis vulnerari,
Cruce hac inebriari,

Et cruore filii.
Flammis urar ne succensus
Per te virgo sim defensus
In die iudicii.

Fac me cruci custodiri
Morte Christi praemuniri

Quando corpus morietur;
Fac ut anime donetur paradisi
gloria. Amen.

1 comment: