Pages

Tuesday, February 9, 2016

MGA PANALANGIN SA VISITA IGLESIA HUWEBES SANTO

                                                    
MAIKSING PALIWANAG

Pagkatapos ng misa sa paghahapunan ng Panginoon ng Huwebes Santo, sinisimulan ang behilva sa karangalan ng banal na sakramento Ang gabi ng Huwebes Santo av nakatuon sa pagninilay ng simbahan ukol sa dakilang regalo ni Hesus ng kanyang sarili sa banal na Eukaristiya.

Maraming parokva ang nagtatayo ng'monumento' O tanging altar: na nagagayakan ng mga palamuti at pinaglalagakan ng isang tabernakulo na pansamantalang tintahanan ng banal na eukaristiya para sa maringal na behilya. Hindi dapat na itinatanghal ang banal na sakramento sa pamamagitan ng monstrance sapagkat ito ay isang reposition at hindi exposition ng eukaristiya. Ang pintuan ng
tabernakulong gagamitin para dito ay dapat na nakasara upang maitago ang kabanal-banalang sakramento.

Sa gabing ito, ginagawa ng mga mananampalataya ang tradisyunal na Visita Iglesia. Ang bilang ng simbahan na pinupuntahan ay kadalasang pito.Sa mga pagdalaw na ito mas marapat na ituon ang
mga panalangin sa banal na eukaristiyang nakapatente sa monumento. Ang pagdiriwang na sumusunod ay isinaayos para magamit ng mga mananampalataya sa mga pagdalaw, na ito. Maaring magdasal ng rosaryo habang naglalakbay mula sa isang simbahan patungo sa susunod na simbahan.

Nais naming ipaalam na ang pagtatanod ay dapat tapusin sa hating-gabi sapagkat ang araw ng Byernes Santo ay nagsisimula at sa oras na ito ang buong simbahan ay tumutugon naman sa hiwaga ng krus ni Kristo. Ang Istasyon ng Krus ay mas magandang dasalin sa araw ng Biyernes Santo kung saan ang misteryo ng pagpapakasakit ni Kristo sa Krus ay binibigyang halaga.

UNANG SIMBAHAN

PASIMULA

Namumuno: 
Sa ngalan ng Ama at ng anak at ng Espiritu Santo

R. Amen.

Namumuno:
Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya. Sa banal na pagatatanod na ito isama natin sa ating panalangin ang lahat ng kaparian sa buong mundo upang sila ay mapuspos ng tunay na
pagmamahal sa Eukaristiya na ipinagkatiwala sa kanilang mga kamay. Ipanalangin din natin ang lahat ng tao na nanlalamig na sa Diyos ng Awa, upang sa banal na sakramento sila ay makasumpong ng init ng pag-ibig at lakas ng pananampalataya. Bilang mga anak ng Diyos Ama nararapat lamang na tayo ay magnilay at sumamba sa tunay na katawan ni Hesus sa anyong tinapay. Marami pa rin ang ayaw kumilala sa kapangyarihan ng krus ni Kristo at ang mabuting balita na nagliligtas sa tanan. Hilingin natin kay Hesus na ipagkaloob sa sandaigdigan ang tunay na kapayapaan at kasaganaan na nagmumula lamang sa kanya.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kav San Juan (17:9-73)
R. Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong Panahong iyon sinabi ni Hesus, "idinadalangin ko siya hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin sapagkat sila'y iyo. Ang lahat ng akin ay iyo at ang lahat ng iyo ay akin; at pararangalan ako sa pamamagitan nila. At ngayo'y ako'y pupunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila. Amang banal ingatan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin upang sila'y maging isa, kung papaanong tayo'y iisa Habang kasama nila ako, iniingatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin. Inaalagaan ko sila at ni isa'y walang mapapahamak liban sa taong humahanap ng kanyang kapahamakan, upang matupadang kasulatan. Ngunit ngayon ako'y papunta na sa iyo, atsinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
R. Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-kristo

Uupo ang lahat para sa tahimik na pagninilay.

Ang Panginoon ang aking pastol

Ang Panginoon ang aking pastol pinagiginhawa nya akong
lubos

Handog nyang himlaya'y sariwang pastulan ang pahingahan koy payapang batisan hatid sa kaluluwa ay kaginhawahan sa tuwid na landas sya ang patnubay.

Madilim na lambak man ang tatahakin ko wala akong sindak Sya'y kasama ko ang hawak niyang tungkod ang s'yang gabay ko hawak nyang pamalo sigla't tanggulan ko.

Luluhod ang lahnt para ipanalangin ang intesyon ng Santo Papa.

Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

MGA HIBIK SA KABANAL-BANALANG MANUNUBOS

Lahat:
Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin mo ako. Katawan ni Kristo, iligtas mo ako. Dugo ni Kristo, tigmakin mo ako. Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan mo ako Pagpapakasakit ni Kristo, Patatagin mo ako. Butihing Hesus dinggin mo ako. Sa loob ng sugat mo ako'y. itago mo. Huwag mong ipahintulot namawalay ako sa iyo. Sa nagpapahamak na kaaway, ako'y ipagsanggalang mo, Sa sandali ng pagpanaw, ako'y tawagin mo. At iyong ipag- utos na lumapit ako sa iyo. Upang kaisa ng mga banal ako'y makapagpuri sa iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat:
Panginoon namin at Diyos, sa sakramentong ito dumudulog kami sa presensya ni Hesu-kristong Anak mo, ipinanganak ng mahal na birhen at ipinako para sa aming kaligtasan. Marapatin mong kami na nagpapahayag ng pananampalataya sa bukal ng awa at pag-ibig ay mapakinabang sa tubig ng buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.Amen.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen

IKALAWANG SIMBAHAN

Namumuno:
Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-tangi-at dalisay, na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya. Mula pa noong una ipinakita na ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapadala ng manna, ang tinapay na galing sa langit sa kanyang piniling
bayan. Ang pagkain ay importanteng bahagi ng buhay ng tao subalit ang tao ay di lamang binubuo ng katawan ito ay may espiritung kailangang busugin ng presensya ng Diyos na lumikha rito. Sinasabi ni Hesus na siya ang pagkaing nagmula sa langit ang tunay na nakabubusog ng bawat puso. Bilang mga anak ng Diyos Ama nararapat lamang na tayo ay magnilay at sumamba sa tunay na katawan ni Hesus sa anyong
tinapay.

PAGBASA
 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San ]uan (6:51-58)
R. Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon sinabi ni Hesus sa mga tao: "Ako ang pagkaing nagbibigay buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakalianman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko ay sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman." Dahil dito'y nagtalutalo ang mga Judio. "papaanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin?" tanong nila, kayat sinabi sa kanila ni Hesus , "Malibang kanin ninyo ang laman ng anak ng tao at inumin ang kanyang Dugo hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at ang umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at ang umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin at ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo sa akin at akoy nabubuhay dahil sa kanya. Gayon din naman ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nito'y mabubuhay magpakailanman. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
R. Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-kristo.

Umupo ang lahat para sa tahimik na pagninilay.

Awit ng Paghahangad


O Diyos ikaw ang taging hanap loob ko'y ikaw ang tanging
hangad nauuhaw akong parang tigang na lupa sa tubig ng yong
Pag-aaruga.

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal ng makita ko ang iyong
pagkarangal dadalangin akong nakataas aking kamay
magagatak na aawit na ang papuring iaalay.
Gunita koy ikaw habang nahihimlay pagkat ang tulong mong sa
tuwina'y taglay sa lilim ng iyong mga pakpak umaawit akong
buong galak.
Aking kaluluwa'y kumakapit sa'yo kaligtasa'y tiyak kung
hawak mo ako magdiriwang ang hari ang Diyos s'yang dahilan
ang sa iyo ay nangako galak yaong makakamtan.

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intensyon ng Santo Papa.
Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

PANALANGIN SA PAGIGING BUKAS PALAD

Lahat:
Panginoon turuan mo akong maging bukas palad. Tururan mo akong maglingkod sa iyo, na magbigay ng ayon sa nararapat na walang hinihintay mula sa iyo, na makibakang di inaalintana, mga hirap na dinaranas, sa twina'y magsumikap na hindi humahanap ng kapalit na kaginhawahan, na di naghihintay kundi ang aking mabatid, na ang loob mo'y sy'ang sinusundan.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat:
Panginoon namin at Diyos, ipinagkaloob mo sa amin ang tinapay na bumaba sa langit. Sa pamamagitan ng pagkaing ito, mapalakas nawa kami upang mamuhay sang ayon sa iyong buhay at sa katapusan ay mapakinabang sa iyong luwalhati sa huling araw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen.


Namumuno:

Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya. Ang Diyos ay Pag-ibig at lahat ng nais sumunod sa kanya ay dapat umibig ng wagas at dalisay. Ang sangtinakpan sa pamamagitan ng pag-ibig, sinagip dahil sa pag-ibig at muling babaguhin sang-ayon na rin sa pag-ibig ng Diyos. Ang gabing ito ay patunay sa atin kung gaanong kalaki ang malasakit sa atin ni Hesus na ninais niyang manatii sa anyo ng tinapay upang maranasan ng bawat salinlahi ang kalayaang nanggaling sa kanyang pag-ibig. Bilang mga anak ng Diyos Ama nararapat lamang na tayo ay magnilay at sumamba sa funay na katawan ni Hesus sa anyong tinapay. Hilingin natin kay Hesus na ipagkaloob sa sandaigdigan ang tunay na kapayapaan at kasaganaan na nagmumula lamang sa kanya.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (15:9-17)
R. Papuri sa iyo Panginoon.

Noong panahon iyon, sinabi Hesus sa kanyang mga alagad, "Kung paanong iniiibig ako ng Ama, gayon din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig. "Sinabi ko sa inyo ang mgabagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag- ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin" sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng naririnig ko sa Ama, hindi kayo ang pumili sa akiru ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo'y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. sa gayon anumtm ang hingin ninyo sa Ama sa aking panaglan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang inuutos ko sa inyo:mag-ibigan kayo."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesu-kristo

Umupo ang lahat para matahimik na pagninilay.

Umasa ka sa Diyos

Umasa ka sa Diyos ang mabuti'y gawin at manalig kang ligtas sa lupain sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan at pangarap mo'y makakamtan.

Ang iyong sarili sa Diyos mo ilagak at magtiwalang tutulungan kang ganap. Ang kabutihan mo ay magliliwanag katulad ng araw kung tanghaling tapat.

Sa harap ng Diyos pumanatag ka maging matiyagang maghintay sa kanya huwag mong kainggitan ang gumiginhawa sa likong paraan umunlad man sila.

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intensyon ng Santo Papa.
Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

PANALANGIN PARA SA MGA PARI

Lahat:
O Hesus ipinapanalangin ko sa iyo ang matapat at maalab mong pari, ang mga lilo at nanlalamig mong pari; ang iyong mga paring nagpapagal dito at sa ibat-ibang bansa lalo na yaong mga nasa kaduluduluhang bahagi ng daigdig; ang mga pari mong nahaharap sa matinding tukso at pagsubok; ang mga nagungulila at nag-iisa mong pari, ang iyong mga bata at maysakit m pari; ang mga kaluluwa sa purgatoryo ng iyong mga pari. Higit sa lahat ipinapanalangin ko sa iyo ang mga paring mahal sa akin; ang mga paring nagbinyag sa akin;ang mga paring nagpakumpisal sa akin; ang mga paring nangunguna sa misa naming at nagbibigay sa akin ng iyong ktawan at dugo sa banal na komunyon; ang mga paring nagturo at gumabiy sa akin; at ang lahat ng paring pinagkakautangan ko ng loob. O Hesus alalahanin at ilapit mo silang lahat sa iyong mahal na puso at lagi mo nawa silang pagpalain ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN       

Lahat:
Panginoon namin at Diyos, mapuspos nawa ang aming mga puso ng lakas sa pamamagitan ng sakramentong ito ng bagong buhay. Gawin mo kaming masigasig sa pagpapalaganap ng iyong kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen

IKAAPAT NA SIMBAHAN

Namumuno:

Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya. Sa eukaristiya ating natatagpuan ang susi ng ating pagkakaisa, kung pgpaanong siya ang puno ng ubas at tayo ang mga sanga tayo ay makakaugnay sa iisang panananampalatya at iisang patutunguhan. Sa mga pagkakataong pakiramdam natin ay nag-iisa tayo at walang karamay. Masdan natin ang milagro sa ating piling, ang Diyos na hindi lumisan sa atin.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (15:1-4)
R. Papuri sa iyo,Panginoon.

Sinabi ni Hesus "Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga; at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang namumunga uapang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo., hindi makakapamunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayon din naman hindi kayo makakapamunga kung hindi kayo nakakabit sa akin."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesu-kristo

Isang Tinapay isang Katawaan isang Bayan

Katulad ng mga Butil na tinitipon
upang maging tinapay na nagbibigay buhay
kami naway matipon din at maging bayan mong giliw
Iisang Panginoon iisang katawan
isang bayan isang lahi sa yo' y nagpupugay.

Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak
sinumang uminom nito may buhay na walanghanggan.
Kami naway maging'sangkap sa pagbuo nitongbayang liyag

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intensyon ng Santo Papa.
Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

PANALANGIN PARA SA PANGKALULUWANG
PAKIKINABANG

Lahat:
Pinakamamahal na Hesus, buong pananalig kong sinasampalatayanan na ikaw ay nariyan sa kabanal-banalang Sakramento. Iniibig kita higit sa lahat ngbagay, at ninanais kong tanggapin ka sa aking kaluluwa. Dahil hindi kita matanggap sa sandaling ito sa banal na komunyon, sa halip pumasok ka sa
aking puso. Niyayakap kita na parang ikaw ay tunay na nariyan, at iniuugnay ko ang aking buong sarili sa iyo, huwag mo kailanman itulot na mawalay pa ako sa iyo.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat:
Aming Ama itinalaga mo si Hesu-kristo bilang kataas-taasang pari sa ikaluluwalahati mo at ng aming kaligtasan. Nawa,y ang bayang pinapagindapat niya sa pamamagitan ng kanyang dugo, ay makasalo sa kapangyarihan ng kanyang krus at muling pagkabuhay sa pagdiriwang ng huling hapunan, siya ni
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo iisang Diyos magpasawalang hanggan.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen

IKALIMANG SIMBAHAN

Namumuno:
Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya. Sa panahong puno ng alitan at di pagkakasundo hatid ng Panginoon ang kapayaang di kailanman ay maibibigay ng mundo. Magnilay tayo sa harap ng Prinsipe ng kapayapaan upang ituro sa tin ang landas ng pakikipagkasundo. Panibaguhin nawa tayo ng ating pananalig sa hapag ng bagong pag-asa Kung saan si Kristo ang hain at naghahain sa ikaliligtas ng santinakpan.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (14:27-31)

R. Papuri sa iyo, Panginoon.
Sinabi ni Hesus "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot, sinabi ko na sa inyo, ako'y aalis ngunit babalik ako. Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat dakila ang Ama kaysa sa Akin. Sinasabi ko na ito sa inyo bago pa mangyari upang kung mangyari na, kayo'y manalig sa Ama bago sa Akin. Hindi na ako pakahahaba ng pagsasalita sa inyo, sapagkat dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin, subalit dapat makilala ng sanlibutan na iniibig ko ang Ama at ang ginagawa ko'y ang inuutos niya sa akin. Tumindig kayo tayo na!"

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesu-kristo

Dakilang Pag-ibig

Dakilang pag-ibig saan man manahan
Diyos ay naroon walang alinlangan

Tinipon tayo sa pagmamahal, ng ating Poong si Hesus
tayo'y lumigaya sa pagkakaisa, sa haring nakapako sa Krus.

Purihi't ibigin ang ating Diyos, na siyang unang nagmahal;
Kayat buong pag-ibig rin nating mahalin, Ang bawat kapatid at
kapwa.
Iwasan lahat ang pagkapoot, pag-aalinlanga't yamot
Sundin ang landasin ni Hesu-kristo, at ito'y halimbawa ng
Diyos.

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intensyon ng Santo Papa.
Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

PANALANGIN KAY HESU-KRISTONG NASA SA KRUS

Lahat:
Kaybuti at pinakamamahal na Hesus, nangangayupapa ako sa iyong paanan, humihiling na mataimtim na iukit mo sa aking puso ang isang malalim at buhay na pananampalatya pag-asa at
pag-ibig na may dalisay na pagbabalik loob para sa aking mga\ pagkakasala at matibay na pagnanais na gumawa ng pagbabayad puri. Habang aking pinagninilayan ang iyong limang sugat at pinagmumuni-muni ang mga ito ng may pagkahabag at hinagpis, naalala ko butihing Hesus ang matagal nang sinabi ni Propeta David ukol sa iyo: Binutasan nila ang akin! mga kamay at paa. Nabibilang na nila ang aking mga buto!

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat:
Ama naming makapangyarihan, ginanap mo ang gawain ng kaligtasan sa Pamalnagitan ng muling pagkabuhay ni Kristong iyong Anak. Nawa'y kaming matapat na nagpapahayag ng kanyang kamatayan at pagkabuhay sa sakramentong ito ay maranasan ang paglago sa kaligtasan sa aming buhay' Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen

IKAANIM NA SIMBAHAN

Namumuno:
Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya.Hindi tayo nilisan ng Panginoon patuloy gingabayan ang kanyang simbahan sa liwanag ng Espirirtu Santo. Sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ang mga sakramento ay nagkakaroon ng bisa at lakas' Tumawag tayo kay Kristo, ang daan, katotohanan at pagkabuhay.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (14:15-21)

R. Papuri sa iyo, Panginoon.

Sinabi ni Hesus "Kung iniibig ninyo ako tutuparin ninyo ang aking mg utos. Dadalangin ako sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito'y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo Siya sapagkat siya'y sumasainyo at nananahan sa inyo." Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo. Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan. Ngunit ako'y makikita ninyo; sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo. Malalaman ninyo sa a€raw na yaon na ako'y sumasa-Ama, kayo'y sumasaakin, at Ako'y sumasainyo. Ang tumanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa Akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesu-kristo

Sa Diyos lamang Mapapanatag

Sa Diyos lamang mapapanatag ang aking kaluluwa
sa kanya nagmumula ang aking pag-asa at kaligtasan

O Diyos ikaw ang aking kaligtasan nasa yo aking kaluwalhatian
Ikaw lamang aking inaasahan ang aking moog at tanggulan.

Poon ika'y puno ng kabutihan pastol akang nagmamahal sa
kawan
inaakay sa luntiang pastulan tupa'y hanap mo kung mawaglit
man.
Luluhod ang lahat para  ipanalanginn ang intensyon ng Santo Papa.
Ama naming... Aba Ginoong Maria...Luwalhati...

PANALANGIN NG PAGSAMBA


lahat:
O Hesus, ikaw ang daan na dapat kong sundan ang ganap na modelo na aking gagayahin Sa aking pagharap sa huling paghuhukom nais kong matagpuang kawangis mo. O modelo ng mabathalang kababaang loob at pagsunod marapatin mo akong matulad siyo, O ganap na halimhawa ng pagpapakasakit at kalinisan marapatin mo akong matulad sa lyo, O Hesus payak at matiyaga marapatin mo akong matulad sa iyo. O Dakilang halimbawa ng pag-ibig at malinis na hangarin, marapatin mo akong matulad sa iyo.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat:
Panginoong Hesu-kristo, minarapat mong ikaw na kapiling namin sa iyong katawan at dugo ay aming sambahin. Maihain nawa namin ang pag-ibig na ganap sa Ama sa langit. Makapag-alay nawa kami ng ganap na paglilingkod sa aming mga kapatid. Ikaw na nabubuhay at naghaharing kasama ng Ama at ng Espiritu Santo iisang Diyos magpakailanman.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen.

IKAPITONG SIMBAHAN

Namumuno:
Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya. Tayo'y mga anak ng muling pagkabuhay dahil sa muling pagkabuhay ng Anak. Hindi'sa kamatayan at kasalanan natatapos ang lahat kundi sa tagumpay na nakamit ni Kristo Hesus. Sa ating paglalakbay sa laban ng buhay mabuksan nawa ang ating mga mata sa presensya ng Diyos na patuloy na nagbibigay ng lakas ng loob sa ating lahat. Bilang mga anak ng Diyos Ama nararapat lamang na tayo ay magnilay at sumamba sa tunay na katawan ni Hesus sa anyong tinapay.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San juan (6:51-58)

R. Papuri sa iyo, Panginoon.

Nang Linggo ding iyon ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may labing isang kilometro ang layo sa Jerusalem. pinaguusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Hesus at nakisabay sa kanila. Siya'y nakita nila ngunit hindi nakilala agad, tinanong sila ni Hesus,"Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?" At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na nagngangala'y Cleopas "Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakakaalam ng mga bagay na katatapos pa lamang mangyari roon." "Anong mga bagay?" tanong niya. At sumagot sila tungkol kay Hesus na taga Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harap ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal slya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siya ay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan ikatlong araw na ngayon mula ng mangyari ito; nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang maaga raw silang nagpunta sa libingan at di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabi'y nakakita raw sila ng isang pangitain ng mga anghel na nagsasabing buhay si Hesus. pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasamahan namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Hesus." Sinabi si kanila ni Hesus "Kay hahangal ninyo! Ano't hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinasabi ng mga propeta. Hindi bat ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang marangal niyang katayuan?" At ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng nasasaad sa kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa mga isinulat ng mga propeta. Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan at si
Hesus ay waring pa ng lakad. Ngunit sila'y pinakapipigil-pigil nila. "Tumuloy na po kayo rito sa amin, anila sapagkat palubog na ang araw at dumidilim na." kaya't sumama nga siya sa kanila. Nang siya'y kasalo na nila sa hapag dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang mga paningin at nakilala nila si Hesus, subalit itoy bigalang nawala. At nawika nila, "Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo'y kinakausap sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang kasulatan!" Noon di'y tumindig sila at nagbalik sa ]erusalem.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon
R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesu-kristo

Umupo ang lahat para sa matahimik na pagninilay.

Liwanag ng aming Puso

Liwanag ng aming puso sa ami'y manahan ka.
Ang init ng yong biyaya sa ami'y ipadama.
Patnubay ng mahihirap o aming pagasa't gabay
sa aming saya at hapis tanglaw kang kaaya-aya.

Liwanag ng aming puso sa ami'y manahan ka.
Kandili mo ang takbuhan noong unang-una pa.
Pawiin ang aming pagod ang pasani'y pagaanin
minamahal kong kandungan sa hapis kami hanguin.

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intensyon ng Santo Papa.
Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

PANALANGIN SA PAGKILALA
SA PAGTANGGAP SA PANGINOON

Lahat:
Aking buong pusong tinatanggap ang tunay na katawan na isinilang ng Birheng Maria, ang katawang nagpakasakit at naihain sa krus para sa sangkatauhan. Ang katawang nasugatan sa tagiliran at binukalan ng dugo. Ito nawa'y maging pagkain nagbibigay lakas sa oras ng kamatayan. O katamis-tamisan at kabanal-banalang Hesus, aming hari anak ni Maria. O modelo ng mabathalang kababaang loob at pagsunod marapatin mo akong matulad sa iyo. O ganap na halimbawa ng pagpapakasakit at kalinisan marapatin mo akong matulad sa iyo. O Hesus payak at matiyaga marapatin mo akong matulad sa iyo. O Dakilang halimbawa ng pag-ibig at malinis na hangarin, marapatin mo akong matulad sa iyo.

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Panginoon namin at Diyos, mapagindapat nawa kaming laging makapagbigay ng parangal sa pamamalagi ng Kordero na inihain para sa aming kaligtasan. Pagkalooban nawa kami ng pitak ng kanyang luwalhati dahilan sa aming pananampalataya, siya na nabubuhay at naghahari ngayon at magpakailanman.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen.


6 comments:

  1. Salamat po dito... Ahhh ito n po b yung usually n ginagamit na prayers? Pan lahat n po ito? Depende a lugar po b kng ano prayera ggamitin? Tnx po...

    ReplyDelete
  2. Big help for me. Salamat po at nagamit namin to sa aming bisita iglesia.

    ReplyDelete
  3. Thank you po. Big help para bisita iglesia nmin.

    ReplyDelete
  4. Salamat po,
    Malaking tulong po ito para sa pag bisita Iglesia namin bukas..

    ReplyDelete