Ang pagninilay ng Daan ng Krus na ito ay kakaiba sa nakaugalian na nating pagdarasal at pagninilav ng
tradisyunal na gawaing nakagisnan na ng maraming mga Pilipino. Ito ay sapagkat ang Daan ng Krus na ito ay naaayon sa kung papaano nasaksihan at napagnilalian ng Mahal na Birheng Maria ang nagpapakasakit, paghihirap at pagkamatay ng Panginoon. Siya ang unang saksi sa lahat ng mga pinagdaanan ni Hesus, at
siya rin ang unang Kristiyano na nagsagawa ng pagninilay sa Daan ng Krus ng kanyang anak, ang ating Panginoong Hesu-Kristo.
Sa kanvang pagsubaybay sa landas ng kanyang anak patungong Kalbaryo, tayo rin ay inaanyayahan na magnilay, manalangin
at damahin ang naramdaman ni Maria. Siya ang gabay natin sa Daan ng Krus sapagkat "natanim sa isip ni Maria ang
lahat ng ito at kanyang pinagbulay-bulay" (Lc 2:19).
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Namumuno:
Ama naming mapagmahal, isinugo mo ang iyong Bugtong na Anak mula sa kalangitan upang maging tao sa sinapupunan ng Mahal na Birhen. Siya'y naging iyong Salita ng kaligtasan para sa amin. Pagindapatin mo na lulad ng Mahal na Birherl buong pusong makapakikinig sa iyong Salita at mapagnilayan ang landas ng misteryo ng aming katubusan. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Jesu-Kristong Anak mo, na nabubuhay at naghahari, kaisa mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, magpasawalang hanggan.
R. Amen
V/. Adoramus te, Christe, et
benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam crucem tuam
redemisti mundum.
PAGBASA (Mateo 27 :22-23,26)
Sinabi sa kanila ni Pilato, "Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Hesus na tinatawag na Kristo?"
Sumagot ang lahat, "Ipako sa krus!" "Bakit? Anong masama ang ginawa niya?" tanong ni Pilato. Ngunit lalo pa nilang isinigaw, "Ipako sa krus!" At pinalaya niya si Barrabas, ngunit ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa kanila upang ipako sa krus.
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)
Araw ng Biyernes, sa pagputok ng unang liwanag ko nakita ang aking anak. Ito ang unang pagkakataon na masulyapan kong muli siya simula nang siya ay dinakip. Tila ba may balaraw na unti-unting bumaon sa aking puso nang makita ko ang kanyang nagdurugo at sugatang katawan. Ang pinakamamahal kong anak! Napakasakit pakinggan ang sigaw ng mga taong nakapaligid sa akin, "Ipako sa krus! Ipako sa krus!" Nais kong magmaka-awa, nais kong makiusap sa kanila. Ngunit alam kong kailangan itong maganap; kaya't kahit walang lakas,.tumayo ako ng mahinahon at nanangis sa katahimikan.
PANALANGIN
Panginoong Hesus, napakasaklap isipin ang pagdadalamhati ng iyong ina nang ikaw ay hatulan ng kamatayan. Sa dalamhati at sakit ni Maria, nararamdaman namin ngayon ang.hapis na iyong nararamdaman sa tuwing kami ay nagtatampo at nagagalit sa iyo. Ang sigaw na "Ipako sa krus!" ay salat kumpara sa paglayo at pagkamuhi na nararamdaman ng marami sa amin sa tuwing kami ay nakakaranas ng hirap at suliranin. Patawad, O Hesus, sa aming mga pagkukulang! Turuan mo kaming tumayo ng mahinahon sa gitna ng kawalan ng pag-asa. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
V/. Adoramus te, Christe, et
benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam crucem tuam
redemisti mundum.
PAGBASA (Mateo 27:27-31)
Si Hesus ay dinala ng mga kawalng gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa
paligid niya. Hinubaran nila siya at sinuutan ng isang balabal na pulang-pula. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinapaglnwak ng isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati: "Mabuhay ang Hari ng mga Judio!' Siya'y pinaglulurhan, kinuha nila ang tambo at siya'y pinaghahampas sa ulo. At matapos kutyain kanilang inalisan siya ng balabal, sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus.
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)
Matapos makapag-ipon ng kaunting lakas, sumabay ako sa paglakad ng mga tao patungo sa may labas ng pretoryo. Biglang Lumukas ang pinto ng pretoryo at bumulagta palabas ang aking duguang anak. Dalawang kalalakihan ang sumunod na lumabas. Dala nila ang isang kahoy na krus na mabigat. Ito ay ipinapasan nila sa balikat ng aking anak, at pinilit nila siyang maglikad. Hindi ko matiis na makita na naghihirap ang aking anak. Naiskong buhatin ang kanyang krus para sa kanya. Ngunit alam kong kailangan itong maganap;kaya't tahimik ko siyang sinundan.
PANALANGIN
Panginoong Hesus, patawarin mo kami sa maraming beses naming pagaadagdag ng bigat sa iyong krus. Sa pagpapabaya naming maghirap ka sa pagpasan ng iyong krus dahil sa pagbubulag-bulagan namin sa kahirapan at kalungkutan ng aming kapwa. Patawarin mo kami sa aming pag-iwas sa mga
kapwa naming nangangailangan sa pakikibahagi namin sa tsismis at sa mga usaping waling kabuluhan. Turuan mo kami na matularan si Maria na palaging naghahangad na pagaanin ang iyong pasanin. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Ama namin..
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
IKATLONG ISTASYON ANG UNANG PAGKADAPA NI HESUS
V/. Adoramus te, Christe, et
benedicimus tibi.
R/. Quiu per sanctam crucem tuam
redemisti mundum.
PAGBASA (Isaias 53:4-6)
Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata, gayon din ang kirot na tayo sana ang lumasap; akala natin ang dinanas niya'y parusa sa kanya ng Diyos. Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit inibig ng Panginoon na sa kanya ipataw ang parusang tayo ang dapat tumanggap.
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)
Sinundan ko ang bakas ng mga yapak ng aking anak patungong Kalbaryo. Wala nang higit pang nakapagdulot sa akin ng sakit kung hindi ang makita ko siyang nagdurusa. Nasaksihan ko ang unti-unting pagbaon ng bigat ng krus sa kanyang mga Balikat. Ang puso ko'y labis na tumangis nang makita ko siyang Nadapa at ang mabigat na krus ay humampas sa kanyang likuran. Sa unang tingin, akala ko ay namatay na ang aking anak! Ngayon, unti-unting nangatal ang aking katawan. Sinipa ng mga bantay ang aking anak! Dahan-dahang tumayo ang aking anak, subalit patuloy ang paglatigo sa kanya. Nais ko siyang yakapin, kahit na ako na lang ang latayan ng latigo. Ngunit alam kong kailangan itong maganap; kaya't tahimik ko siyang sinundan.
PANALANGIN
Panginoon ilang beses na ba namin ikaw nakitang nadapa, ngunit, hindi tulad ni Maria, hinayaan lang namin ikaw sa lupa? Ilang beses na ba namin na nakita ang aming kapwa na nagkamali at pinagtawanan na lamang namin? Ilang beses na ba kaming nagalit kapag iba ang ikinilos ng iba kumpara sa inaasahal namin? Umalalay si Maria sa iyo sa iyong daan ng krus. Turuan mo rin kaming umalalay sa iyo sa pag-alalay at pagsuporta namin sa aming kapwa. Turuan mo kaming tumahak sa ivong daan ng krusl Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
V/. Adoramus t, Christe, et
benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam crucem.tuam
redemisti mundum.
PAGBASA (Lucas 2:34-35,51)
Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, "Tandaan mo, ang batang ito'y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa lsrael, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya't mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo'y para na ring tinarakan ng isang balaraw." Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso.
PAGNINILAY(Babasahin ng isang babae.)
Nagawa kong makalapit sa aking anak sa kabila ng mga taong nangungutya sa kanya. Tinawag ko siya sa kabila ng mga sigaw ng panlilibak. Tumigil siya sa paglakad. Nagpangita ang aming mga mata -- ang sa aki'y puno ng luha, ang sa kanva'y puno ng hirap at pagkalito. Para akong nanghina; ngunit tila ba nangusap ang kanyang mga mata: "Lakasan mo ang iyong loob! Ang lahat ng ito ay may nilalayon." Kahit na ako ay natitisod sa aking paglalakad, alam ko na tama ang sinasabi niya.Kaya't tahimik ko siyang sinundan.
PANALANGIN
Panginoon, patawarin mo kami sa tuwing ang ating mga mata ay nagpapangita subalit inilalayo namin ang aming paningin sa iyo. Patawarin mo kami sa aming pagkukulang na makalapit sa iyo. Patawarin mo kami sa tuwing pinanghihinaan kami ng loob o sa tuwing mahihirapan kami at hindi namin dininig ang panawagan mong lakasan namin ang aming loob. Oo, Panginoon, ilang beses nang nagpangita ang ating mga mata, ngunit hindi namin pinansin. Turuan mo kaming makinig sa iyo tulad na pakikinig ni Maria sa ivo. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensvon ng Santo Papa:
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
V/. Adoramus
te,christe, et
benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam
crucem tuam
redemisti mundum.
PAGBASA (Mateo 27:32;16:24)
Paglabas nila ng lunsod, kanilang nakita ang isang lalaking nagngangalang Simon, isang taga-Cirene. Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Kung ibig ninumang sumunod sa akin limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin."
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)
Nakikita ko na ngayon ang unti-unting panghihina at pagkapagod sa mukha ng aking anak habang pilit niyang binubuhat ang bigat ng kanyang krus. Ang kanyang bawat hakbang ay tila ba huli na niyang hakbang. Sa puso ko,
ramdam ko ang bawat sakit na kanyang nararamdaman at nais kong matapos na ang lahat ng paghihirap niyang ito. Biglang nagkaroon ng maliit na kaguluhan malapit sa aking anak.
Nakita ko na pilit na hinihila ng mga kawal ang isang nagpupumiglas na lalaki mula sa mga nanonood. Pinilit nilang ipapasan sa kanya ang dulo ng krus ng aking anak upang pagaanin ang dalahin ni Hesus. Nagtanong ang lalaki kung bakit siya pa
ang pinili. Alam ko ang kasagutan, at tahimik ko silang
sinundan.
PANALANGIN
Panginoong Hesu-Kristo, maraming beses ka naming tinanggihang tulungan. Naging madamot at makasarili kami, at nag-alinlangan kami sa iyong salita. Huwag mong hayaan na kami ay maging tulad ni Simon; tulungan mo kaming maging tulad ng iyong inang si Maria na tahimik na nakikinig at sumusunod sa iyong salita. Itinuro mo sa amin na " ang naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang- alang sa akin ay sivang magkakamit noon" (Lucas
9:24).Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
V/. Adoramus
te,Christe, et
benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam
crucem tuam
redemisti mundum.
PAGBASA (Isaias 53:2-3)
Kalooban ni Yahweh na ang kanyang lingkod ay matulad sa
isang halamang natanim sa tuyong lupa. Walang katangian o kagandahang makatawag-pansin, wala siyang taglay na pang-akit para lapitan siya. Hinamak
siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng sakit at hirap.
Wala man lang nagtapon ng sulyap sa kanya. Hindi natin siya pinansin, pa siyang walang kabuluhan.
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)
Sa aking pagsunod sa yapak ng aking anak, mayroong isang babae na nagpilit makalapit kay Hesus. Tinanggal niya ang kanyang belo at ipinunas ito sa pawisan at duguang mukha ng aking anak. Hinila siya palayo kay Hesus, at bakas sa
kanyang mga mukha ang katanungang "Bakit ninyo ito ginagawa sakanya?" Alam ko, kaya tahimik at buong pananalig kongsinundan ang aking anak.
PANALANGIN
Panginoon, ginawa ng babae na ito ang lahat ng kanyang magagawa para sa iyo; samantalang mas iniisip namin ang aming matatanggap kaysa maibibigay sa iyo. Maraming pagkakataon ang dumarating upang makatulong kami sa iyo araw-araw sa pamamagitan ng pagtulong namin sa kapwa, ngunit hinahayaan lamang namin itong lumampas. Turuan mo kaming huwag ipagpabukas ang pagtulong sa aming kapwa. Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi namin alam ang araw ni
ang oras (Mt 25:13) ng iyong pagdating. Ituro mo sa amin na ngayon na ang panahon ng pagtulong. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati....
IKAPITONG ISTASYON ANG IKALAWANG PAGKADAPA NI HESUS
V/. Adoramus te, Christe, te
benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam
redemisti mundum.
PAGBASA
(Mga Panaghoy 3:1-2, 9, 16)
Naranasan ko kung gaano kahirap ang maparusahan ng Diyos. Itinaboy niya ako sa lugar na wala kahit bahagyang liwanag. Susuray-suray ako sa tindi ng hirap. At kahit saan ako bumaling ay may pader na nakahalang. Inginudngod niya sa lupa ang aking mukha at idinikdik sa bato ang aking bibig.
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)
Muling nadapa ang aking anak, at labis akong nag-alala na baka siya ay tuluyan nang malagutan ng hininga. Unti-unti- akong lumapit sa kanya, subalit hinarang ako ng mga bantay. Nagpumilit tumayo ang aking anak, subalit siya ay nabuwal sa lupa. Mapait na pagdadalahati ang aking naramdaman habang pinagmamasdan ko ang aking anak na nabubuwal, nagpipilit tumatayo, at nagpapatuloy sa paglakad. Sapagkat batid ko na kailangan itong maisakatuparan, tahimik ko siyang sinundan.
PANALANGIN
Panginoon, maraming beses na kaming tumalikod sa iyo sabpaggawa namin ng mga kasalanan at maraming ulit na rin kaming naging dahilan ng pagtalikod ng aming kapwa sa iyo. Hinihiling namin na patawarin mo kami sa aming pagmamataas, pagiging marahas, at sa aming kawalan ng katarungan na siyang lalong nagpapabigat sa iyong pasan na krus. Ang iyong Ina ang pinakatapat mong alagad. Hindi siya sumusuko sa kabila ng sakit na kanyang naramdaman. Turuan mo kaming maging tapat mong mga alagad tulad ng iyong Ina. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
IKAWALONG ISTASYON NAKATAGPO NI HESUS ANG MGA BABAENG TAGA-JERUSALEM
V/. Adoramus te, Christe, et
benedicimus tibi
R/. Quia per sanctam crucem yuam
redemisti mundum.
PAGBASA (Lucas 23:27 -29, 31)
Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga babaeng nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinabi sa kanila, "Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo: darating ang araw na sasabihin nila, 'Mapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.' Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang gagawin sa tuyo?"
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)
Sinusundan ko si Hesus sa 'di kalayuan, nang siya ay biglang napatigil. Mayroong mga kababaihan na tumatangis at habag na habag para sa kanya. Sinabihan niya sila na huwag tumangis para sa anya.Nagkaroon na sila dati ng pagkakataong tanggapin siya bilang Mesiyas, ngunit hindi nila siya tinanggap tulad ng ginawa ng marami. Sinabihan nila sila na lumuha para sa kanilang sarili, mga luha na magdudulot sa kanila ng ganap na pagbabago ng puso. Hindi nila naunawaan ang kaugnayan ng kanyang mga sinabi sa kanyang paglakad patungong Kalbaryo. Naunawaan ko ang kaugnayan niyon, at tahimik ko siyang sinundan.
PANALANGIN
Panginoon, maraming beses na kumilos kami katulad ng mg; babae na taga-Jerusalem: nakikita ang pagkakamali ng iba at nanghihinayang. Ngunit napakadalang na makita namin ang sarili naming pagkakasala at napakadalang namin na humingi ng pagpapatawad. Ang luha ng iyong Ina na pumatak sa daan ng krus na binahiran ng iyong dugo ng sakit at paghihirap ang siyang nagpagaan sa bigat ng iyong krus na pasanin. Ang luhang ito ay nagpagaan dahil sa ito ay luha ng pagmamahal Turuan mo kaming lumuha laban sa aming mga kasalanan tulungan mo kaming magmahal para sa aming kaligtasan. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Ama namin...
Aba Ginoong Maria.,.
Luwalhati...
V/. Adoramus te, Christe, et
benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam crucem tuan
redemisti mundum.
PAGBASA (Habakkuk 1:12-13; 2:2-3)
Hindi ba't ikaw ay walang hanggan? O Yahweh, Diyos na kabanal-banalan at walang kamatayan. Itinalaga mo ang mga taga-Babilonia, upang kami'y parusahan. O Batong matibay, inilagay mo sila upang kami'y pahirapan. Ikaw ay banal, ayaw mong tumingin sa kasamaan. Hindi mo matatagalang tingnan ang kalikuan. Bakit mo pinapayagan ang mga taksil? Bakit mo
pinababayaang apihin ang mga taong higit na matuwid kaysa kanila? At ito ang tugon ni Yahweh: "Isulat mo ang pangitain; isulat mong malinaw sa mga tapyas ng bato, upang madaling mabasa at ibalita sa lahat. Sapagkat hindi pa dumarating ang takdang panahon upang maganap ang pangitain; mabilis na dumarating ang wakas - hindi ito maliliban. Ngunit tiyak na magaganap, kung ito man ay nagtatagal."
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)
Ang pagbaksak ni Hesus ay matinding paghihirap sa akin.
Hindi lamang siya nabuwal sa mabatong daan, bagkus nalalapit
na siya sa paanan ng Kalbaryo. Sinigawan siya at
pinagmalabisan ng mga kawal, halos hinihila siya sa kanyang
bawat paglakad. Labis akong kinabahan nang maisip ko ang
susunod nilang gagawin sa aking anak. Ngunit alam ko na
dapat itong maisakatuparan, kayat tahimik ko siyang sinundan.
PANALANGIN
PanginooN, batid namin na maraming beses na rin naming inialok ang aming tulong sa kapwa. Ngunit sa tuwing kami ay nawawalan na ng kaluwagan at kaginhawahan agad naming itinitigil ang aming paglingap. Tulungan mo kami, Panginoon, na tularan ang iyong Ina, si Maria, at huwag isara ang aming mga kamay sa pagsuporta sa mga nangangailangan nilo. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
IKASAMPUNG ISTASYON SI HESUS AY HINUBARAN
V/. Adoramus te, Christe, et
benedicimus, tibi
R/. Quia per sanctam crucem tuam
redemisti mundum.
PAGBASA (Juan 19:23-24)
Nang maipako na ng mga kawal si Hesus, kinuha nila ang kanyang kasuotan at pinaghati-
hatian ng apat. Kinuha rin nila ang kanyang tunika; ito'y waiang tahi at hinabi nang buo mula sa itaas hanggang sa ibaba. Nag-usap-usap ang mga kawal, "Huwag nating punitin ito; magsapalaran na lamang tayo para malaman kung kanino ito mauuwi." Nangyari ito upang matupad ang isinasaad ng Kasulatan, "Pinaghati-hatian nila ang aking mga kasulatan at ang aking damit ay kanilang pinagsapalaranan." Gayon nga ang ginawa ng mga kawal.
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)
Ngayong tapos nang pasanin ng aking anak ang kanyang krus, akala ko ay bibigyan siya ng pagkakataong makapagpahinga' Subalit sapilitang hinubad ng mga kawal ang damit ng aking
anak sa kanyang duguang katawan. Napakasakit tingnan na ang mga sugat na unti-unti nang natuyo at dumikit sa kanyang mga damit ay muling nanariwa sa pagtanggal ng kanyang mga damit. Hindi ko kayang tingnan ang aking anak na nagdurusa. Ngunit alam ko na dapat itong maisakatuparan, kayat nanatili ako at nanangis sa katahimikan.
PANALANGIN
Panginoon, sa aming sariling pamamaraan ay hinubaran ka namin at pinunit namin ang iyong kasuotan. Maraming beses na naming siniraan ang aming kapwa sa walang kabuluhang pag- uusap, at maraming pagkakataon na rin naming hinubaran ng dignidad ang aming kapwa dahil sa pamimintas namin sa kanila. O pinakamamahal na Hesus, nasaktan ka namin sa iba't ibang pamamaraan dahil sa pasakit na idinulot namin sa aming kapwa. Nawa, katulad ng iyong Ina, tumingin kami nang may awa at pagmamahal sa aming kapwa upang matutunan namin na sa kanila ay "idamit namin si Kristo" (cf. Gal 3:27).Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
V/. Adoramus te,
Christe, et
benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam
crucem tuam
redemisti mundum.
PAGBASA (Mateo 27:35-42)
Nang maipako na siya sa krus, pinaghati-hatian nila ang
kanyang mga damit matapos magsapalaran. At naupo sila upang siya'y bantayan. Nakasulat sa kanyang ulunan ang sakdal laban sa kanya: "Ito'y si
Hesus, ang Hari ng mga Judio." Dalawang tulisan ang kasabay
niyang ipinako sa krus - isa sa kanan at isa sa kaliwa. Nilibak
siya ng mga nagdaraan, at tatangu-tango pang sinabi, "Di ba
ikaw ang gigiba ng templo at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw? Iligtas mo ngayon ang iyong sarili! Kung ikaw nga'ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa krus!" Kinutya rin siya ng
mga punong saserdote, ng mga eskriba at ng matatanda ng bayan. Sabi nila, "Iniligtas ang iba ngunit ang sarili'y di
mailigtas! Di ba siya ang Hari ng Israel? Bumaba lang siya ngayon sa krus, maniniwala kami sa kanya!"
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)
Buo na nagparava ang aking anak na siva ay ipako sa krus. Sa bawat pagpasok ng pako sa kanyang mga kamay at paa, ramdam ko sa kaibuturan ng aking puso ang pagtarak ng mga balaraw. Itinayo nila ang krus. Nandoon ang pinakamamahal kong anak, hinahamak habang siya ay agaw buhay na
lumalaban upang manatiling buhay. Ngunit alam ko na dapat itong maisakatuparan, kayat nanatili ako at nanalangin sa katahimikan.
PANALANGIN
Ang mga kamay na dati ay nagbabasbas, ngayo'y nakapako na. Ang mga paa na dati rati ay naglalakbay at nagdadala ng pag- ibig at pag-asa, ngayo'y napako na sa krus. Panginoon,
ano'ng sakit ang binata mo para sa amin! At ano'ng sakit ang dinala
ng iyong pinakamamahal na ina sa pagkakasaksi niya sa unti-unting pagkamatay ng kanyang mahal na anak! Subalit ikaw at ang iyong ina ay palaging handa na kami ay patawarin sa tuwing kami ay magkakasala. Tulungan mo kami, Panginoon na lumayo sa pamumuhay naming makasalanan. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Ama namin…
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
IKALABING DALAWANG ISTASYON SI HESUS AY NAMATAY SA KRUS
V/. Adoramus te, Christe
benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam crucem
redemisti mundum.
(Ang lahat ay lumuhod.)
PAGBASA (Mateo 27:45-46,50)
Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain. Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw si Hesus, "Eli, Eli, lama sabachthani?" ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Muling sumigaw si Hesus at nalagutan ng hininga.
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)
Ano pa ang labis na makapagpapasakit sa isang ina kung hindi ang makita ang kanyang anak na mamatay! Ako na nagluwal at nagpalaki sa Tagapagligtas ng daigdig, ngayo'y nakatayo sa harap ng krus at wala man lamang nagawa habang ang kanyang ulo ay unti-unting yumuko at namatay! Ang kanyang paghihirap dito sa lupa ay natapos na, ngunit ang sa akin ay hindi pa. Alam ko na dapat itong maisakatuparan, kayat nanatili ako at nagluksa sa katahimikan.
PANALANGIN
O Hesus, patawarin mo kami sa idinulot ng aming mga kasalanan sa iyo at sa aming kapwa. Lubos ang aming pagpapasalamat sa iyong dakilang pag-aalay ng pag-ibig. Ikaw na mismo ang nagsabi, "Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag- ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para kanyang
mga kaibigan" (jn 15:13). Sa paghahabilin mo kay Maria sa iyong pinakamamahal na alagad, ipinagkaloob mo siya sa amin hindi lamang bilang Ina, kung hindi bilang isang tunay at matalik na kaibigan. Palagian mo kaming ituring na mga kaibigan, at turuan mo kaming makipagkaibigan sa iba.Turuan mo kaming mamuhay hindi para sa sarili, bagkus para sa iba. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen. .
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
V/.Aduramus te,
Christe, et
benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam
crucem tuam
redermisti mundum.
PAGBASA (Mateo 27:54-55)
Nasindak ang kapitan at ang mga kawal na nagbabantay kay Hesus nang maramdaman nila ang
lindol at masaksihan ang lahat ng nangyari' "Tunay na
ito'y Anak ng Diyos!" sabi nila. Naroon din ang maraming
babaing nakatanaw mula sa malayo. Mula pa sa Galilea'v sumusunod na sila kay Hesus at naglilingkod sa kanya.
PAGBASA (Babasahin ng isang babae.)
Wala na ang mga tao; wala na rin ang ingay ng panlilibak. Tahimik akong nakatayo sa harap ng krus ng aking anak pinagmamasdan ang kanyang walang buhay na katawan, ang katawan ng Tagapagligtas. May dalawang lalaki na nagbaba ng kanyang katawan mula sa krus, at iyon ay ipinatong sa aking mga bisig. Marahas na natapos ang buhay ng aking anak' Labis na pangungulila ang aking naramdaman. Subalit sa kaibuturan ng aking puso, nakaramdam ako ng pag-asa at kaligayahan' Namatay ang aking anak, ngunit binigyan ng bagong buhay ang sangkatauhan. alam ko na dapat itong maisakatuparan, kayat tahimik akong nanalangin.
PANALANGIN
Panginoon, nanaog ka sa kadiliman ng kamatayan, ngunit ang iyong katawan ay inilagay sa mabuting mga kamay at ibinalot
sa bagong puting kayong lino (Mt 27:59)' Ang iyong pagpapakasakit ay nagwakas na! Ngunit ito av nagpapatuloy sa tuwing pinipili namin ang kasalanan kaysa sa iyo. Nakibahagi kami sa iyong pagpapakasakit ngayon aming Tagapagligtas, buong puso naming hinihiling ang iyong pagpapatawad. Tulungan mo kaming mamuhay ng karapatdapat sa iyo at sa iyong Ina. Turuan mo kaming maging matapat sa gitna ng kaguluhan at pagkalito at ituro sa amin ang pag-ibig na yumakap sa iyo noong oras ng iyong kahinaan; ang yakap ng iyong Ina na naglalapit sa Iyo at sa amin sa kanyang puso. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
IKALABING-APAT NA ISTASYON SI HESUS AY DINALA SA LIBINGAN
V/. Adoramus te, Christe, et
benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam crucem tuam
redemisti mundum.
PAGBASA (Matthew 27:59-61)
Kinuha ni Jose ang bangkay ni Hesus at binalot ng bagong kayong lino. Inilagay niya ito sa sariling libingan na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan nito ang isang malaking bato, saka umalis. Naroon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria, na nakaupo sa tapat ng libingan.
PAGNINILAY
Dinala namin sa libingan ang aking anak at doon ay inihimlay ang kanyang malamig na bangkay. Bago iginulong ang pintuang bato ng kanyang libingan, tiningnan ko at pinagmasdan sa huling pagkakataon ang maamong mukha ng aking anak. Napaluha ako sa labis na kalungkutan. Subalit sa pagsasara ng mga pintuang bato, naisip ko, na dapat itong maisakatuparan... ANg lahat ng ito ay para sa inyo! Tahimik at buong pananamapalataya akong maghihintay sa kanyang muling pagkabuhay, ayon sa pangako ng aking anak!
PANALANGIN
Panginoon, sinabi mong tandaan namin na "malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, ito'y mamumunga ng marami.(Jn 12:24). ikaw ang butil ng trigo na namatay at patuloy na namumunga ng hitik sa bawat henerasyon ng kasaysayan. Sa iyong libingan ay nagliliwanag ang pagpapatunay ng pangako ng butil ng trigo na nagdudulot ng pagkaing nabibigay buhay. O Hesus, ang iyong pagkamatav ay hindi nagdudulot ng lamig ng pag-iisa, kung hindi ito ay nagdudulot ng init ng pag-asa. Katulad ng pananampalataya ng iyong Ina sa pangako ng iyong pagkabuhay, itulot mo na makabangon kami sa pagkalugmok sa kasalanan at mamuhay na matuwid at may pag-asa. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:
Am anamin...
Abo Ginoong Maria...
Luwalhati...
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Namumuno:
Ama naming makapangyarihan, sa iyong di malirip na karunungan ay pinahihintulutan mo na punuin ang pagpapakasakit ng iyong Anak ng pagpapakasakit din ng kanyang mga tagusunod. Pinagindapat mong manatili ang Mahal na Birhen na makiisa sa paghihirap ng iyong Anak sa paanan ng krus. Itulot mong maisabuhay namin ang aral ng Daan ng Krus ng iyong Bugtong na Anak upang kami din ay maging sanhi ng pag-ibig at lakas ng loob sa mga kapatid naming nagdurusa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesu-Kristong aming Panginoon na nabubuhay at naghahari kaisa mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.
PAGBABASBAS
Pari:
Sumainyo ang Panginoon.
R. At sumainyo rin
Pari:
At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama,Anak, At Espiritu Santo.
R. Amen.
Pari: Pinasan ni Kristo nang may pag-ibig ang kanyang kahoy na Krus.Humayo kayo at pasanin ninyo nang may pagmamahal Ang inyong mga krus.
R. Salamat sa Diyos!
No comments:
Post a Comment