PANIMULA
Maaring gamitin ang pagdiriwang na ito sa mga kumpisalang
bayan upang ihanda ng mga tao sa pagkukumpisal. Ang pari na nakasuot ng
sutana, surplice at estolang lila o di kaya alba, estola at kapang
lila, ay papasok sa sanktuaryo magbibigay pugay sang ayon sa nakagawian,
Sisimulan ang isang awit.
Buksan ang aming puso turuan mong mag-alab
Sa bawat pagkukuro lahat ay makayakap
Buksan ang aming isip sikatan ng liwanag
Nang kusang matangkilik tungkuli'y mabanaag.
Buksan ang aming palad sarili'y maialay
Turuan mong ihanap kami ng bagong malay.
Punong tagapagdiwang:
Sa ngalan ng Ama atng Anak at ng Espiritu Santo:
R.Amen.
Ang awa at pagpapala mula'sa Diyos Ama at kay Hesu- Kristong ating Tagapagligtas, nawa'y sumainyo.
R. At sumainyo rin
Magbibigay ng paunang salita ang punong tagapagdiwang.
Punong tagapagdiwang:
Mga kapatid bagaman tayo'y
ma]imit tumalikod sa pagmamahal ng Panginoon hindi niya tayo pinabayaan muli't-muli niyang inalok sa atin ang kanyang tipan at
itinuro sa pamamagitan ng kanyang bugtong na Anak ang daan ng kapayapaan. Hilingin natin sa Diyos ang biyaya ng tunay na
pagbabalik loob.
Darasalin ng punong tagapagdiwang ang sumusunod.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Punong tagapagdiwang:
Panginoon naming Diyos, ipadala mo sa amin ang iyong Espiritu upang linisin kami sa tubig ng pagbabalik loob. Gawin nawa kaming buhay na handog upang sa lahat ng lugar ay papurihan ka namin at aming maipahayag ang iyong awa.
R. Amen.
Aawitin ang sumususnod na antipona sa mabuting balita kapag
panahon ng kuwaresma. Makapipili ng ibang angkop na ebanghelyo kung
nanaisin.
Buksan mo Panginoon ang aming mga Puso
At mga labi namin ay linisin mo
Bigyan mo kami ng kababaang loob
Upang dinggin ang mabuting balita mo.
Punong tagapagdiwang:
Sumainyo ang Panginoon.
R. At sumaiyo rin.
Hindi kayo ang pumili sa akin ako ang pumili at humirang sa
inyo.
Ang Mabuting Balita
ng Panginoon ayon kay San Juan 15: 9-17
R. Papuri sa iyo, Panginoon.
Noong panahong iyon
sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayon din
naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung
tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig. "Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan. Ito
ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong
nag- aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin
ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip inaariko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng naririnig
ko sa Ama, hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at
humirang sa inyo upang kayg'y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayon anumn ang hingin ninyo sa Ama sa
aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang inuutos ko
sa inyo: mag-ibigan kayo."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
R. Pinupuri ka namiry Panginoong Hesu-kristo
HOMILIYA/PAGBABAHAGI
Magkakaroon ng saglit na panahon para sa pagsusuri ng budhi.
Luluhod ang mga tao at kanilang sasabihin.
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo mga kapatid na lubha akong nagkasala sa isip, salita at gawa, at sa
aking pagkukulang,kaya'tisinasamo ko sa mahal na birheng Maria sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo mga kapatid na ako'y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Pagkatapos tatayo ang lnlut para sa panalanging
pangkalahatan
PANALANGING PANGKALAHATAN
Punong Tagapagdiwang:
Ang Panginoon ay mahabagin, nililinis niya ang ating puso at pinadala tayo sa ating kalayaan, kung ating inaamin ang
ating kasalanan: hilingin natin na tayo'y patawarin at hilumin ang
sugat na likha ng ating mga kasalanan.
PANGINOON DINGGIN MO KAMI.
1.Ipagkaloob mo sa amin ang biyaya ng tunay na pagbabalik loob.
2. Patawarin mo ang iyong mga lingkod at palayain sa bigat
ng kasalanan.
3. Patawarin mo ang iyong mga anak na nagkukumpisal ng kanilang kasalanan. At ipanauli mo ang kanilang ugnayan sa Simbahan.
4. Panumbalikin mo ang kadakilaan ng binyag sa lahat ng nawalan nito sa kasalanan.
5. Salubungin mo sila sa iyong altar, at panibaguhin mo ang kanilang kaluluwa ng pag-asa ng walang hanggang buhay.
6. Panatilihin mo sila sa pamamagitan ng mga sakramento at matapat sa iyong paglilingkod.
Punong Tagapagdiwang:
Puno ng pag-asa, ipahayag natin ang panalanging itinuro sa
atin:
Ama namin sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang
pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Hihimukin ng tagapagdiwang ang mga tao sa isahang
pagkukumpisal.
Halina mga kapatid at
makipagkasundo sa Amang puspos ng awa.
Tutungo ang mga tao sa mga lugar kung saan naghihintay ang
mga paring
No comments:
Post a Comment