"Masdan mo ang Kanyang maamong mukha.
Masdan mo ang Kanyang maningning na mga mata.
Masdan mo ang Kanyang mga sugat.
Masdan mo ang Mukha ni Hesus.
Doon makikita mo kung gaano Niyantayo minahal."
-STA.TERESITA NG NINO HESUS
Kami ay natutuwa na ang Komisyon ng Liturhiya ng Diyosesis ng San Pablo ay bumuo ng koleksyon ng mga rito at panalangin na gagamitin sa buong Diyosesis ngayong Kuwaresma, bilang paghahanda sa pagdiriwang ng maringal na Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
Ipinagdiriwang ng Simbahan ang panahon ng Kuwaresma upang sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, maituon ng mga mananampalataya ang kanilang pansin sa masusing pakikinig ng Salita ng Diyos at ibigay ang kanilang mga sarili sa prananalangin at pagdiriwang ng Misteryo Paskal (bas. Sacrosanctum concilium, 109). Ito rin ang nilalayon Namin
para sa Bayan ng Diyos sa Diyosesis ng San Pablo. Nawa ang mga panalangin na napapaloob sa libritong ito ay makatulong
upang mas lalong maunawaan ng mga mananampalataya ang Salita ng
Diyos at makatuklas sila ng pamamaraan upang magkaroon ng panibagong lakas na maglingkod sa Simbahan.
Nawa ay tangkilikin ng lah4t ng mga Kura paroko ang mga gawain at panalanging napapaloob sa libritong ito upang maging mas lalong magkaisa at maging makabuluhan ang pagdiriwang ng Kuwaresma at mga'Mahal na Araw dito si Diyosesis ng San Pablo.
Iginagawad Namin ang aming pagbabasbas sa lahat ng mga tatangkilik sa aklat na ito!
No comments:
Post a Comment