MAIKLING PALIWANAG
Sa simula pa noong mga panahon ng unang siglo ang mga Kristiyano ay nagtitipon hindi lamang upang magdiwang ng banal na misa bagkus upang idaos ang panalangin ng mga Kristiyano sa maghapon. Ito'y ayon sa utos ng Panginoon sa kanyang mga alagad na manalangin ng walang humpay. Sa lahat ng panalanging ito, ang panalangin sa umaga at sa takipsilim ay tunay na ipinagdiriwang ng marami lalo na sa panahon ng mga dakilang kapistahan at mahahalagang araw sa taong liturhikal. Sa mga pagdiriwang ng mga mahal na araw ang Miyerkules Santo at Biyernes Santo ay kinapapalooban ng pagdiriwang ng "Tenebrae" o Kadiliman sa kadahilanang ang mga araw na ito ay pag- alala sa malungkot na bahagi ng buhay ng Panginoon ang simula ng kanyang pagpasok sa pagpapakasakit at kamatayan. Ang pangalan ng pagdiriwang ay hinango rin sa pisikal na katayuan kung saan nagaganap ang panalangin, sa gitna ng kadiliman. Sa kanang bahagi ng sanktuaryo isang malaking tirikan na may nakasinding iabing-lima na kandila. Labing-lima sapagkat ang unang labing-apat ay kumakatawan sa salinlahi na nabuhay bago ipinanganak si Hesus. Bawat isang kandila ay sumasagisag sa mga propeta ng Lumang Tipan na isa-isang inusig at pinatay dahil sa kanilang pagpapahayag ng kalooban ni Yahweh. Ito ang simbolismo ng pagpatay ng mga kandila sa ibat-ibang bahagi ng pagdiriwang. Subalit ang ikalabing lima at pinakahuling kandila ay hindi pinapatay ngunit
itinatago lamang upang ipakita na si Kristo na siyang kinakatawan ng huling kandila ay hindi nalupig ng kamatayan. Ang apoy ng huling kandila ang siyang gagamitin na pansindi ng apoy sa behilya ng muling pagkabuhay. Ang pagdiriwang ay wawakasan ng ingay ng mga kahoy na pampatunog. Upang ipaalala na magsisimula na ang mga kaganapan na kagimbal-gimbal upang matamo ang kaligtasan. Sa gitna ng maraming mga sigalot at maling turo sa ating kasalukuyang lipunang nababalot ng dilim tayo ay pinapaalalahanan ng inang simbahan na patuloy umasa at kumuha ng lakas sa pagkabuhay na nagmumula sa Panginoon.
Sa takipsilim ng Miyerkules Santo ang mga ilaw ng simbahan ay mananatiling patay at maglalagay sa gawaing kanan ng sanktuwaryo ng isang tirikan na may labing limang saksakan para sa kanilang nakasindi. Papasok ang punong tagapagdiwang nakasuot ng sutana, surplice at estolang lila. Siya ay magbibigay pugay sa dambana ayon sa nakagawian at tutungo sa upuan.
+ O Diyos, halina at ako'y tulungan.
R. O Panginoon magmadali ka sa aming pagdamay.
Papuri sa Ama sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapara noong una, ngayon, at magpasawalang hanggan. Amen.
Papatayin ang unang kandila ng isang tagapaglingkod.
AWIT
Hindi kita malilimutan, hindi kita pababavaan
Nakaukit magpakailan man, sa'king palad ang yong pangalan.
Malilimutan ba ng ina, ang anak na galing sa kanya
Sanggol sa kanyang sinapupunan paano nya matatalikdan
Ngunit kahit na malimutan ng ina ang anak niyang tangan
Hindi kita malilimutan kaylan may di pababayaan
Hindi kita malilimutan kaylan may di pababayaan
Papatayin ang ikalawang kandila, pagkatapos ay uupo ang lahat
SALTERYO
Lahat:
Antipona 1: Wika ng masasama: ang taong matuwid ay ating
pahirapan; hinahadlangan niya ang ating pamumuhay.
Salmo 27
Panginoong tanglaw
Ang tawag ko'y iyong pakinggan lingapin mo at kahabagan
Anyaya mo'y lumapit sa'yo, wag magkubli wag kang magtago sa bawat sulok ng mundo ang lingkod mo'y hahanap sa iyo
Ang tawag ko'y iyong pakinggan, lingapin mo at kahabagan Panginoon aking tanglaw tanging ikaw ang kaligtasan.
Sa masama ilayo mo ako ang sugo mong umiibig sa iyo.
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo
Kapara noong unang una ngayon at magpakaylanman
magpasawalang hanggan Amen.
Papatayin ang ikatlong kandila
Lahat:
Antipona 1:Wika ng mga masasama: ang taong matuwid ay ating pahirapan; hinahadlangan niya ang ating pamumuhay.
Papatayin ang ikaapat na kandila Tatayo ang lahat at darasalin ng pari ang panalangin.
Pari:
Manalangin tayo,
Panginoong Diyos, Binibigyan mo ng gantimpala ang bawat isa sang ayon sa kanilang mga gawa. Pakinggan mo kami habang aming ibinubuhos ang aming mga puso at humihiling ng iyong tulong at pangangalaga. Sa iyo kami sumasamo para sa aming panatag na pag-asa sa isang mundong bitbit ng pagbabago. Hinihiling namin ito.sa pamamagitan ng iyong Anak, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.
Uupo muli ang lahat.
Magkakaroon ng sandaling katahimikan
Papatayin ang ikalimang kandila.
Lahat:
Antipona 2: Inako niya ang ating mga kasalanan at inihingi tayo ng kapatawaran.
Salmo 22
Sa Diyos lamang mapapanatag ang aking kaluluwa sa kanya nagmumula ang aking pag-asa at kaligtasan. O Diyos ikaw ang aking kaligtasan nasa iyo aking kaluwalhatian ikaw lamang aking inaasahan. Ang aking moog at tanggulan.
Paniniil di ko pananaligan Puso'y di ihihilig sa yaman kundi sa Diyos na makapangyarihan na aking lakas at takbuhan.
Poon ika'y puno ng kabutihan Pastol kang nagmamahal sa kawan; inaakay sa luntiang pastulan, tupa'y hanap mo kung mawaglit man.
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo
R. Kapara noong unang una ngayon at magpakaylanman
magpasawalang hanggan Amen.
Antipona 2: Inako niya ang ating mga kasalanan at inihingi tayo
ng kapatawaran.
Papatayin ang ikaanim na kandila.
Tatayo ang lahat at darasalin ng pari ang panalangin.
Pari:
Manalangin tayo,
Panginoon, Kaawan at pagpalain mo kami, at ipakita mo ang luningning ng iyong mukha, upang mapitagan ka naming maibunyag sa tanan at umani ito ng katarungan. Sa pamamagitan ni Hesu-kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen
Papatayin ang ikapitong ilaw.
Uupo muli ang lahat Magkakaroon ng sandaling katahimikan
Lahat:
Antipona 3: Kay Kristo tayo nakatagpo ng kaligtasan; sa kanyang dugo nakamtan natin ang kapatawaran sa ating mga kasalanan.
Salmo 67
Pagpalain Kailanman
Nawa'y kahabagan tayo ng Diyos at pagpalain kailanman
Tayo nawa'y kahabagan ng Ama tayo'y nilingap niya, makikilala sa lupa kanyang pagliligtas at pagmamahal.
Purihin siya mga bansa ang Diyos ang hari at Ama tayo'y magpuri magdiwang pagkat katarunga'y mamamayani.
Pinagpala tayo ng Diyos daig-dig riya'y tigib kabanalan! Bagong umaga sumikat napawi ang takot at kaba, Diyos naming Ama.
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo
R. Kapara noong unang una ngayon at magpakaylanman
magpasawalang hanggan Amen.
Antipona 3: Kay Kristo tayo nakatagpo ng kaligtasan; sa kanyang dugo nakamtan natin ang kapatawaran sa ating mga kasalanan.
Papatayin ang ikawalang ilaw.
Uupo muli ang lahat.
PAGBASA
Mga kapatid, maging mabait kayo at maawain sa isa't-isa, at magpatawaran tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Yamang kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. Mamuhay kayong puspos ng pag-ibig tulad ni Kristo; dahil sa pag-ibig sa atin, inihandog niya ang kanyang buhay bilang mahalimuyak na hain ng Diyos.
Ang salita ng Diyos.
R.Salamat sa Diyos
Saglit na katahimikan.
Papatayin ang ikasiyam na ilaw.
TUGUNAN
Sinasamba at pinupuri ka namin O Kristo
- Sinasamba at pinupuri ka namin O Kristo
Sapagkat sa pamamagitan ng iyong krus sinakop mo ang
sanlibutan.
- Sinasamba at pinupuri ka namin O Kristo
Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo
- Sinasamba at pinupuri ka namin O Kristo
PAPURING AWIT NI MARIA
Tatayo ang lahat at sasabihin.
Antipona: Wika ng Panginoon: nalalapit na ang oras ko; ako at ang aking mga alagad ay magdiriwang ng paskuwa sa iyong tahanan.
+ Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking tagapagligtas
Sapagkat nilingap niya ang kanayang abang lingkod! At mula ngayon, ako'y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
Papatayin ang ikasampung ilaw
Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng salit saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, pinangalat niya ang mga palalo ang isipan. Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Papatayin ang ika labing-isang ilaw
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, at pinalayas ni walang anuman ang mayayaman.
Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang, kay Abaraham at sa kanyang lahi magpakailanman!
Papatayin ang ikalabing dalawang ilaw
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo Kapara noong unang una ngayon at magpakaylanman magpasawalang hanggan Amen.
Antipona: Wika ng Panginoon: nalalapit na ang oras ko; Ako at ang aking mga alagad ay magdiriwang ng paskuwa sa iyong tahanan.
Papatayin ang ikalabing tatlong ilaw
PANGKALAHATANG PANALANGIN
Pari: Sa kamatayan ng Tagapagligtas nalupig ang kamatayan at sa kanyang muling pagkabuhay napanumbalik ang buhay. Buong kababaang loob nating hilingin.
R. Pabanalin mo ang iyong sambayanan na iniligts ng iyong dugo.
N. Tagapagligtas ng sanlibutan, bahaginan mo kami ng mas malaking bahagi ng iyong pagpapakasakit sa pamamagitan ng mas malalim na pagbabalik loob.
- upang makabahagi kami sa luwalhati ng iyong muling pag- kabuhay.
N. Nawa'y ang iyong Ina, ang takbuhan ng mga naaapi ay umampon sa amin,
- pagaanin nawa namin ang kalooban ng iba kung papaanong
pinagaan mo ang aming kalooban.
N. Sa aming mga pagsubok marapatin mong makasalo ang iyong mga lingkod sa iyong pagpapakasakit,
- upang maipamalas namin sa aming buhay ang iyong
nakaliligtas na kapangyarihan.
N. Nagpakababa ka sa pagiging masunurin hanggang sa tanggapin mo ang kamatayan sa krus,
- Ipagkaloob mo na maging masunurin at matiyaga ang mga
naglilingkod sa iyo.
'
N. Panibaguhin mo ang mga katawan ng lahat ng mga yumao sang ayon sa iyong kadakilaan.
- At pasapitin kaming lahat sa kanilang piling. Papatayin ang ika labing apat na ilaw
Pari:
Dasalin natin ng buong pananalig ang panalanging itinuro sa atin:
Ama namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo. Mapasaaminang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang
pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Darasalin ng Pari ang pangkatapusang panalangin.
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.
Amang makapangyarihan, Niloob mo ang iyong Anak ay mabayubay sa krus para sa aming lahat upang ang paniniil ng kalaban ay kanyang mabigyang wakas. Ipagkaloob mong amin nawang makamtan ang pagpapalang kaloob ng muli niyang pagkabuhay bilang Tagapamagitang kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.
PAGBABASBAS
Pari:Sumainyo ang Panginoon
R. At sumaiyo rin.
Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama,Anak+at
Espiritu Santo.
R.Amen.
Diyakono.
Tapos na ang ating pagdiriwang humayo kayong taglay ang Kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
R.Salamat sa Diyos.
Hahalik ang pari s dambana pagkatapos kukunin ang huling kandila na Nagdiringas at kanyang dadalhin papasok sa sakristiya.
Papatunugin ngayon Ang mga matraca.
No comments:
Post a Comment