Commentator:
Ang lahat ay tumayo.
AWIT
Katulad ng mga Butil na tinitipon .
upang maging tinapav na nagbibigay buhay
kami naway matipon din at maging bayan mong giliw
Iisang Panginoon iisang katawan
isang bayan isang lahi sa iyo'y nagpupugay.
Katulad din ng mga ubas napiniga at naging alak
sinumang uminom nito may buhay na walang-hanggan.
Kami naway maging sangkap sa pagbuo nitong bayang liyag
PAMBUNGAD
Commentator:
Ang lahat ay lumuhod
Namumuno:
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo
R. Amen.
Namumuno:
Purihin natin ang Diyos na ating Ama, siya na lumikha ng
langit at lupa. Siya ang ating Diyos na pinanggagalingan ng lahat
ng pagpapala. Sa Kanyang kagandahang loob ay isinugo niya ang ating Panginoong Hesu-kristo, ang tinapay ng buhay, upang maging ating kaligtasan.
R. Purihin at
ipagdangal ang Diyos, ngayon at magpasawalang
hanggan.
Namumuno:
Purihin natin ang Panginoong Hesu-kristo, ang bugtong na Anak ng Ama, isinilang ng Mahal na Birhen sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Siya na nakipanayam sa atin at naging
kaisa natin sa lahat ng bagay liban lamang sa kasalanan upang
gawin tayong tunay na mga anak ng Ama.
R. Purihin at ipagdangal ang Diyos, ngayon at magpasawalang
hanggan. .
Namumuno:
Purihin natin ang Espiritu Santo, ang Panginoon na
nagbibigay buhay. Ipinagkaloob siya ni Hesus sa kanyang mga alagad
tanda ng kapangyarihang ipinagkakaloob sa mga saksi ng Panginoon sa daigdig.
R. Purihin at
ipagdangal ang Diyos, ngayon at magpasawalang
hanggan.
Namumuno:
Mga kapatid: Ang gabing ito'y puno ng kapangyarihan at pag-ibig ng Diyos. Wala ng hihigit pa sa kapangyarihan ng Diyos na ipinakita sa atin ng ating Panginoong Hesu-kristo
na nagbigay ng kanyang sarili bilang tanda ng pag-ibig para sa
atin. Ito ngayon ay ipinararanas sa atin sa dakilang Sakramento ng Eukaristiya. "Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na
nasa sanlibutan, at ngayo'y ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig." (luan 13:1). Tayo'y nagtatanod sa
gabing ito upang lalo nating matuklasan, maunawan at mahalin ang dakilang biyaya ng Eukaristiya na itinatag ng Panginoon
noong Huling Hapunan.
Sandaling katahimikan
para sa pagsamba sa Santisimo Sakramento.
Commentator:
Ang lahat ay umupo.
Antipona: Mga hari ng
lupa! nagkasundo at sama-samang
lumalaban, hinahamon
ang Panginoon at ang kanyang
hinirang.
Salmo 2
Ang Haing Pinili ni
Panginoon
Kanan: Bakit nagbabalak maghimagsik ang mga bansa? Sa sabwatan nilang ito'y anong kanilang
mapapala? Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban, hinahamon si
Panginoon at ang kanyang hinirang.
Kaliwa:Sinasabi nila: "Ang paghahari nila sa atin ay dapat nang matapos; dapat na tayong lumaya at
kumawala sa gapos." Si Panginoon na nakaupo sa langit ay natatawa lamang, lahat ng plano
nila ay wala namang katuturan.
Kanan:Sa tindi ng kanyang galit, sila'y kanyang binalaan; sa tindi ng Poot, sila'y kanyang
sinabihan, "Doon sa Zion, sa bundok na banal, ang haring pinili ko'y aking itinalaga."
Kaliwa:"Ipahahayag ko ang sinabi sa akin ni Panginoon,'Ikaw ang aking anak, mula ngayo'y
ako na ang iyong ama. Hingin mo ang mga bansa't ibibigay ko sa iyo, maglng ang buong
daigdig ay ipapamana ko.
Kanan:'Dudurugin mo sila ng tungkod na bakal tulad ng palayok, silajy magkakabasag-basag."'
Kaya't magpakatalino kayo mga hari ng mundo, ang babalang ito'y unawain ninyo:
Kaliwa:Paglingkuran ninyo si Panginoon nang may takot at paggalang, sa Paman ng
kanyang anak
yumukod kayo't magparangal, baka magalit siya't bigla kayong parusahan. Mapalad ang taong ang Diyos ang kanlungan.
Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Antipona1: Mga hari
ng lupa'y nagkasundo at sama-samang
lumalaban, hinahamon
ang Panginoon at ang kanyang
hinirang.
Antipona 2: Ang damit
ko sa katawa'y pinaghati-hati nila ang
hinubad na tunika'y
dinaan sa sapalaran.
Salmo 22
Panambitan at Awit ng
Papuri
Kanan:Araw-gabi'y dumaraing, tumatawag ako, O Diyos, hindi ako mapanatag, di ka pa rin
sumasagot. Ikaw yaong pinutungang tanging Banal, walang iba, dinakila ng Israel, pinupuri
sa tuwina; sa iyo ang lahi nami'y nagtiwala at umasa, nagtiwala silang lubos, iniligtas mo nga
sila. Noong sila ay tumawag, ang panganib ay nawala, .lubos silang nagtiwala at di naman
napahiya.
Kaliwa:Tila ako'y isang uod at hindi na isang tao, kung makita'y inuuyam, nagHtawa kahit sino; bawat taong makakita'y umiiling, nariunukso, palibak na nagtatawa't sinasabi ang ganito: "Nagtiwala
siya sa Diyos, ngunit hindi siya pansin, kung talagang minamahal, bakit hindi intindihin?"
Kanan:Noong ako ay iluwal, Ikaw, O Diyos, ang patnubay, magmula sa pagkabata, ako'y iyong
iningatan; kaya naman mula noon, sa iyo na umaasa, sapul noon, ikaw na lang ang Diyos na
kinilala. H'wag mo akong lilisanin, huwag mo akong tatalikdan, pagkat walang sasaklolo sa panganib na daratal.
Kaliwa:Akala mo'y mga toro, pumaligid na kaaway, mabangis na mga hayop na balitang torong-
Basan; parang leong naninila, walang tigil ang atungal. Parang-tubig na,tumapon, ang lakas ko
ay tumakas, ang lahat kong mga buto sa wari ko ay nalinsad; sa dibdib ko ay naghari ang
malaking pagkasindak parang pagkit ang puso ko, natutunaw naaagnas!
Kanan:Itong aking'lalamuna'y tuyong abo ang kapara, ang dila ko'y dumidikit sa bubong ng ngalangala, sa alabok, halos patay na ako ay iniwan na. May pangkat ng mga buhong na sa
aki'y pumaligid, para akong nasa gitna niyong asong mababangis; mga kamay ko at paa'y parang gapos na ng lubid. Ang buto ng katawan ko, sa masid ay mabibilang minamasdan nila ako niyong tinging may pag-uyam.
Kaliwa:Pinaghati-hati nila ang damit ko sa katawan, ang hinubad na tunika'y dinaan sa sapalaran.
H'wag mo akong ulilahin h'wag talikdan Panginoon, o aking Tagapagligtas, bilisan mo ang pagtulong.H'wag mo akong babayaang sa talim ay mapahamak, at sa mga asong iyon, ang
buhay ko ay iligtas.
Kanan:sagipin sa mga leon, iligtas mo at ingatan, wala akong magagawa sa harap ng torong-ligaw.
Ang lahat ng ginawa mo'y ihahayag ko sa lahat, sa gitna ng kapulunga'y pupurihin kitang
ganap. Purihin ang Panginoon ng lahat ng kanyang lingkod, siya'y inyong dakilain, kayong angkan ni Jacob; ikaw bayan ng Israel ay sumamba at maglingkod.
Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Antipona 2: Ang damit
ko sa katawa'y pinaghati-hati nila, ang hinubad na tunika'y
dinaan sa sapalaran.
Antipona 3:
Panginoon, hangad ko'y iyong batid; ang mga daing ko'y iyong
dinirinig.
Salmo 38
Dalangin ng Taong
Nagdaranas ng Hirap
Kanan: Panginoon, huwag mo Po akong kagalitan! O kung galit ka ma'y huwag akong parusahan.
Ang labis mong galit ay aking dinamdam; sa parusang hatol, ako ay nasaktan.
Kaliwa: Ako'y nilalagnat sa taglay mong galit dahil sa sala ko ako'y nagkasakit. Ako'y nalulunod sa
taglay kong sala, sa dinami-rami ay parang baha na; mabigat na lubha itong aking dala.
Kanan: Parang bakukang na itong aking sugat dahil sa ginawi kong hindi marapat; wasak na't kuba na
ang aking katawan, sa buong maghapon ay nananambitan.
Kaliwa:Dumapong lagnat ko'y apoy na sa init, lumulubhang lalo ang taglay kong sakit. Halos
madurog na at ako'y malupig; Puso'y nagdurugo sa tindi ng sakit.
Kanan:Yaong aking hangad Panginoon, iyong batid; ang mga daing ko'y iyong dinirinig. Tibok ng
puso ko,y dinggin at masasal, ang taglay kong lakas halos ay Pumanaw; ang mga mata ko ay
naging malamlam.
Kaliwa:Mga kaibiga't mga kapitbahay ay nagsisilayo, ayaw nang dumalaw dahil sa sugat ko sa aking katawan; lumalayo pati aking sambahayan. Yaong nagnanais na ako'y patayin, nag-umang
ng bitag upang ako'y dakpin; ang may bantang ako'y saktan at wasakin, maghapon kung sila'y
mag-abang sa akin.
Kanan:Para akong bingi na di makarinig, at para ring pipi na di makaimik sa Pagsasanggalang ay
walang masabi, pagkat ang katulad ko nga'y isang bingi.
Kaliwa:May tiwala ako sa'yo, Panginoon, alam kong sa akin ikaw ay tutugon. Kung may dusa ako,
h'wag silang tulutang maghambog, magtawa saking kabiguan.
Kanan:Sa pakiramdam ko,ako'y mabubuwal, mahapdi't makirot ang aking katawan. Aking ihahayag ang kasalanan ko, mga kasalanang sa 'ki'y gumugulo.
Kaliwa:Mga kaaway ko'y malakas, masigla; wala mang dahila'y namumuhi sila. Ang ganting masama
ang sukli sa akin, dahil sa hangad kong buhay ko'y tuwirin.
Kanan: O Panginoon ko, h'wag akong iiwan; maawaing Diyos, h-wag akong layuan; Tagapagligtas ko' ako ay tulungan!
Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Antipona 3: Panginoory
hangad ko'y iyong batid; ang mga
daing ko'y iyong
dinirinig.
Namumuno:
Ama naming mapagmahal, isinugo mo ang iyong Bugtong na Anak mula sa kalangitan. Siya'y naging iyong Salita ng kaligtasan at naging Tinapay na nagbibigay-buhay sa amin' Pagindapatin mo na buong puso naming tanggapin si Kristong mananakop sa pakikinig sa iyong mga salita at sa pagdiriwang ng may Pananampalataya sa mga misteryo ng aming katubusan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesu-kristong Anak mo, na nabubuhay at naghahari kaisa mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, magpasawalang hanggan.
R. Amen
UNANG PANGKAT
Commentator:
Ang lahat ay tumaYo.
PAGBASA
Ang Mabuting Balita ayon kay San Marcos (14:12-16,22-26)
R. Papuri sa iyo,
Panginoon.
Unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura,araw ng pagpatay ng kordero para sa Paskuwa. Tinanong si Hesus ng kanyang mga alagad, "Saan po ninyo ibig na ipaghanda
namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?" Inutusan niya ang dalawa
sa kanyang mga alagad, "Pumunta kayo sa bayan. May masasalubong kayong isang lalaki na may dalang isang bangang tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na kanyang papasukan at sabihin ninyo sa may-ari, 'Ipinatatanong po ng Guro kung
saan silid siya maaaring kumain ng Hapunang Pampaskuwa, kasalo ng kanyang mga alagad.' At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na mayroon nang kagamitan. Doon kayo maghanda para sa atin." Nagtungo sa bayan ang mga
alagad at natagpuan nga nila roon ang lahat, gaya ng sinabi niya sa
kanila. At inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa. Samantalang sila'y kumakain, dumampot ng tinapay si Hesus, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati at ibinigay sa mga alagad. "Kunin ninyo;
ito ang aking katawan" wika niya. Hinawakan niya ang kalis, at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat. Sinabi niya "Ito ang aking dugo ng tipan, ang
dugong mabubuhos dahil sa marami. Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom ng alak na mula sa ubang hanggang sa araw nainumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos." Umawit sila ng
isang imno, at pagkatapos nagtungo sa Bundok ng mga Olibo.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesu-kristo.
Commentator:
Ang lahat ay umupo.
RESPONSORIO (Pahayag
5:9-10)
Namumuno:
Sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos.
R. Mula sa bawat
lahi, wika, bayan at bansa.
Namumuno:
Ginawa mo silang lahing maharlika at pari na itinalaga upang maglingkod sa Diyos.
R. Mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa.
PAGNINILAY
Mula sa Katesismo ni Papa Benedicto XVI hinggil kay San Pablo Apostol at ang kanyang Teolohiya hinggit sa mga Sakramento (10 Disyembre 2008)
Pagtuunan natin ng pansin ang Sakramento ng Eukaristiya. Naipakita ko na sa ibang Katekesis ang malatim na
pagpipitagan sa berbal na pagsasalin ni San Pablo sa tradisyon ng
Eukaristiya na tinanggap niya mula sa mga saksi [ng Huling Hapunan] noong huling gabing iyon. Ipinapasa niya ang mga salita nito bilang mamahaling kayamanan na ipinagkatiwala sa kanyang katapatan. Kung kayat tunay nating naririnig ang tinig ng
mga saksi sa mga kataga [ng Huling Hapunan] noong huling gabing iyon. Narinig natin ang tinig ng mga Apostol: "lto ang
aral na tinanggap ko sa Panginoon at ibinibigay ko naman sa inyo:
ang Panginoong Hesus, noong gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito,
at sinabi,'Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.' Gayon din
naman, matapos maghapunan,ay hinawakan niya ang saro at sinabi, 'Ang sarong ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking
dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin."' (1 Cor 11: 23-25). Ang teksto na ito ay
masagana sa kahulugan. Sa Katekesis na ito, mayroon lamang akong dalawang maigsing sasabihin. Isinasalin ni Pablo ang mga kataga ng Panginoon hinggil sa saro sa ganitong pamamara.m: Ang saro na ito ang "bagong tipan ng pinagtitibay ng
aking dugo." Nakatago sa mga katagang ito ang pagpapahiwatig
sa dalawang pangunahing teksto sa Lumang Tipan. Ang una ay nagpapatungtol sa pangako ng isang bagong tipan na nasasaad sa Aklat ni Propeta Jeremias. Sinasabi ni Hesus sa kanyang
mga alagad at sa atin: ngayon - sa sandaling ito - sa
pamamagitan ko at sa pagkamatay ko nagkakaroon ng katuparan ang bagong tipan, ang bagong kasaysayan ng sangkatauhan ay nagsisimula sa pamamagitan ng aking dugo. Subalit ipinapahiwatig din ng mga katagang ito ang isang tagpo sa tipanan sa Sinai, nang sinabi ni Moises: "Ang dugong ito ang siyang katibayan
ng
pakikipagtipang ginawa sa inyo ng Panginoon sa pagbibigay sa inyo ng kautusang ito" (Ex 24: 8). Noon, dugo ng hayop.
Ang dugo ng hayop ay pagpapahayag lamang ng pagnanais, ng paghihintay sa tunay na sakripisyo, sa tunay na pagsamba. Sa biyaya ng saro, ibinibigay ng Panginoon ang totoong
sakripisyo. Ang natatangi at totoong sakripisyo ay ang pag-ibig ng Anak.
Sa pamamagitan ng biyaya ng walang hanggang pag-ibig, ang daigdig ay pumapasok sa isang bagong tipan. Ang pagdiriwang ng Eukaristiya ay nangangahulugang ibinibigay ni Kristo ang kanyang sarili, ang kanyang pag-ibig upang itulad tayo sa kanya at sa gayon, lumalang ng isang panibagong daigdig.
PANALANGIN
Commentator:
Ang lahat ay lumuhod.
Lahat:
Ama naming makapangyarihan, ang kamahal-mahalang dugo ng iyong Anak ay iyong ipinantubos sa aming lahat Panalagiin mong sa ami'y nagaganap ang iyong ginawa dahil sa iyong habag upang sa aming paggunita ng iyong pagliligtas ang bunga nito ay kamtin naming marapat sa pamamagitan ni Hesu-kristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.
Commentator:
Ang lahat ay tumayo.
AWIT NG PAGHAHANGAD
1.Diyos ikaw ang tanging hanap loob ko'y ikaw ang tanging hangad nauuhaw akong parang tigang na lupa sa tubig ng yong Pag-aaruga.
2.Ika'y pagmamasdan sa dakong banal ng makita ko ang iyong pagkarangal dadalangin akong nakataas aking kamay magagalak na aawit na ang papuring iaalay.
3.Gunita koy ikaw habang nahihimlay pagkat ang tulong mong sa tuwina'y taglay sa lilim ng iyong mga pakpak umaawit akong buong galak.
4.Aking kaluluwa'y kumakapit sa'yo kaligtasa'y tiyak kung hawak mo ako magdiriwang ang hari ang Diyos s'yang dahilan ang sa iyo ay nangako galak yaong makakamtan.
IKALAWANG PANGKAT
Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan (6:51-58)
R.Papuri sa iyo Panginoon.
Noong panahong iyon
sinabi ni Hesus sa mga tao: "Ako ang pagkaing nagbibigay buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko ay sa ikabubuhay ng sanlibutan ay
ang aking laman." Dahil dito'y nagtalutalo ang mga Judio. "Papaanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang
laman upang kanin natin?" tanong nila, kayat sinabi sa kanila
ni Hesus ,"Malibang kanin ninyo ang laman ng anak ng tao at
inumin ang kanyang Dugo hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at ang umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain,
at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng aking
laman at ang umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin at ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo sa akin at akoy nabubuhay dahil sa kanya. Gayon din naman ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula sa langi! ang kurriakain nito'y mabubuhay magpakailanman.Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
R.Pinupuri ka naming Panginoon Hesu-kristo.
Commentator:
Ang lahat ay umupo.
RESPONSORIO (Juan
6:57-58)
Namumuno:
Buhay ang Ama na nagsugo sa akin at ako'y nabubuhay dahil sa kanya.
R. Ang sinumang
kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin.
Namumuno:
Ito ang tinapay na bumagsak mula sa langit.
R. Ang sinumang
kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin.
PAGNINILAY
Mula sa Katesismo ni
Papa Benedicto XVI hinggil kay San Pablo Apostol at ang
kanyang Teolohiya hinggil sa mga Sakramento (10
Disyembre 2008)
Ang ikalawang mahalagang aspeto ng katuruan hinggil sa Eukaristiya ay matatagpuan sa Unang Sulat sa mga taga- Corinto, nang sinabi ni San Pablo: "Hindi ba't ang
pag-inom natin sa saro ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Kristo? At ang pagkain natin ng
tinapay
na ating pinagpipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan? Kaya nga, yamang isa lamang ang tinapay, tayo'y iisang katawan bagamat marami, sapagkat nakikibahagi tayo sa
iisang tinapay" (10: 16-17). Sa mga salitang ito
nakikita ang personal at panlipunang karakter ng Sakramento ng
Eukaristiya. Personal na nakikiisa si Kristo sa bawat isa sa atin subalit si Kristo ay nakikiisa rin sa lalaki o babae na kasunod ko. At
ang tinapay ay para sa akin at para din sa iba. Kung kaya pinagkakaisa ni Kristo ang lahat sa kanyang sarili at ang
bawat isa sa ating lahat. Tinatanggap natin si Kristo sa
pagkakaisa. Ngunit si Kristo ay nakikiisa rin sa aking kapwa: si Kristo
at ang aking kapwa ay hindi napaghihiwalay sa Eukaristiya. Kung kaya, tayo ay isang tinapay at isang katawan. Ang isang Eukaristiya na walang pagkikipagkaisa sa iba ay Eukaristiyang inabuso. At dito darating tayo sa pinaka-ugat at
pinaka-laman ng doktrina ng Simbahan bilang Katawan ng Kristo, ng Nabuhay na Kristo. Makikita rin natin ang buong katotohanan ng katuruang ito. Ibinibigay ni Kristo ang kanyang katawan sa Eukaristiya. Ibinibigay niya ang kanyang sarili sa kanyang Katawan at ginagawa rin niya tayo bilang kanyang Katawan. lbinubuklod niya tayo sa kanyang Muling Nabuhay na Katawan. Kapag ang tao ay kumakain ng ordinaryong tinapay, ang tinapay na ito
ay nagiging bahagi ng kanyang katawan kapag ito ay sumailalim
sa proseso ng pagtutunaw. Ito ay nagiging sustansya ng buhay ng tao. Ngunit sa banal na Komunyon kabaligtaran ang nangyayari. Ibinibilang tayo ng Panginoong Hesu-kristo
bilang kanyang bahagi at ipinakikilala sa atin ang kanyang maluwalhating Katawan. Kayat tayo'y nagiging kanyang Katawan. Ang sinumang magbasa ng ikalabingdalawang kabanata ng Unang Sulat sa mga taga-Corinto at ng ikalabingdalawang kabanata ng Sulat sa mga taga-Roma ay makakapag-isip na ang mga salita hinggil sa Katawan ni
Kristo bilang organismo ng karisma ay nagpapatungkol sa isang sosyolohikal o teolohikal na talinhaga. Sa agham pulitikal
ng mga Romano, ang talinhagang ito ng katawan na may iba't ibang bahagi at bumubuo sa iisang bagay ay tumutukoy sa Estado o Pamahalaan. Sapagkat ang Estado ay isang organismo kung saan ang
bawat isa ay may tungkulin, at ang pagkakaiba at dami ng mga gawain ay bumubuo ng isang katawan at ang bawat isa ay may lugar dito. Kung ang ikalabingdalawang kabanata ng Unang Sulat sa mga taga-Corinto lamang ang babasahin, maaaring mag-isip ang makakabasa nito na nilimitahan ni Pablo ang kanyang pananaw sa Simbahan sa ganitong pamamaraan, na ang lahat ng ito ay pawang katanungan lamang hinggil sa sosyolohiya ng Simbahan. Subalit kung iisipin din ang ikasampung kabanata, makikita natin ang katotohanan na ang Simbahan ay naiiba, mas malalim at mas makatotohanan kaysa sa organismo ng Estado. Sapagkat tunay na ibinibigay ni
Kristo ang kanyang Katawan at tunay tayong ginagawang kanyang Katawan. Tunay tayong nakikiisa sa Muling Nabuhay na Katawan ni Kristo at tayo'y nagkakaisa sa isa't isa. Ang Simbahan ay hindi lamang korporasyon na tulad ng Estado.
Siya ay katawan. Hindi lamang siya isang samahan kung hindi tunay na organismo.
PANALANGIN
Commentator:
Ang lahat ay lumuhod.
Lahat:
Panginoong Hesu-kristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, ang Huling Hapunan ay inilagak mo para kami'y magkasalu- salo sa alaala ng iyong pagpapakasakit ukol sa mga tao. Ipagkaloob mo ang aming kahilingang ang iyong Katawan at Dugo ay bumuo sa iyong Simbahan bilang tunay na pananda ng kaligtasan at tagapagpahayag ng iyong pag-ibig sa sangkatauhan sa pamamagitan mo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.
Commentator:
Ang lahat ay tumayo.
UMASA KA SA DIYOS
Umasa ka sa Diyos ang mabuti'y gawin at manalig kang ligtas
sa lupain sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan at pangarap mo'y makakamtan.
Ang iyong sarili sa Diyos mo ilagak at magtiwalang
tutulungan kang galak. Ang kabutihan mo ay magliliwanag katulad ng araw pag tanghaling tapat.
Sa harap ng Diyos pumanatag ka maging matiyagang maghintay sa kanya huwag mong kainggitan ang gumiginhawa sa likong paraan umunlad man sila.
IKATLONG PANGKAT
PAGBASA
Ang Mabuting Balita
ayon kay San Lucas (22:39-44)
R. Papuri sa iyo
Panginoon.
Noong panahong iyon, gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga alagad. Pagdating doo'y sinabi niya sa kanila,
"Manalangin kayo, nang hindi kayo madaig ng tukso." Lumayo siya sa
kanila nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at nanalangin. " Ama," wika niya, "kung maaari'y ilayo mo sa
akin ang kalis na ito. Gayunma'y huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo." Napakita sa kanya ang isang anghel
mula sa
langit at pinalakas ang loob niya. Tigib ng hapis, siya'y nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animo'y malalaking patak ng dugo.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
R. Pinupuri ka naming
Panginoong Hesu-kristo.
Commentator:
Ang lahat ay umupo.
RESPONSORIO (Salmo
30:7-8)
Namumuno:
Kay buti mo, Panginoon, at ako,y iningatan!
R. Nang ika'y lumayo
sa akin, ako ay natakot.
Namumuno:
Tinawag ko ikaw, at aking hiniling na ako,y tulungan.
R. Nang ika'y lumayo
sa akin, ako ay natakot.
PAGNINILAY
Mula sa Katesismo ni Papa Benedicto XVI hinggil kay San Pablo Apostot Ang Kahalagahan ng Kristolohiya, Ang Teolohiya ng Krus (29 Oktubre 2008)
Bakit ba itinuring ni San Pablo na pangunahing turo ang salita tungkol sa Krus? Hindi ito mahirap sagutin: ang Krus
ay nagpapahayag ng "kapangyarihan ng Diyos" (1 Cor
1:24), na hindi tulad ng kapangyarihan ng tao. Sapagkat ito ay nagpapahayag ng pag-ibig: "Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit kaysa lahat ng karunungan ng tao, at ang inaakala narulng kahinaan ng Diyos ay lakas na higit sa lahat ng kalakasan ng tao" (ibid.,
v.25). Ilang siglo makalipas si Pablo, nakikita natin na ang Krus ang nagtagumpay at hindi ang karunungan na tumaliwas dito. Ang Nakapakong Kristo ay karunungan, sapagkat tunay niyang ipinakikita sa atin kung sino ang Diyos, ang puwersa ng pag- ibig na ginawa ang lahat hanggang sa Krus upang magligtas. Ang Diyos ay gumagamit ng mga pamamaraan na para sa ating paningin ay pawang kahinaan. Ang Nakapakong Kristo ay nagpapakita sa atin ng kahinaan ng tao at, gayun din, ng
tunay na kapangyarihan ng Diyos- ang malayang.pagbibigay ng pag- ibig. Ang buong pagbibigay ng pag-ibig ang tunay na karunungan. Naranasan din ni San Pablo ito, at palagian
niyang nababanggit sa iba't ibang liham na isinulat niya sa kanyang espiritwal na paglalakbay na siyang naging tiyak na gabay
para sa mga alagad ni Hesus: "Ang tulong ko'y sapat sa lahat
ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina" (2 Cor 12: 9); at
"pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang
hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan
upang hiyain ang malalakas" (1 Cor 1: 27). Lubos na nakilala
ng Apostol si Kristo kung kayat kahit na napakarami ng mga pagsubok na dumating sa kanya, namuhay pa rin siya ng may pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa kanya at nag-alay ng sarili para sa kanyang mga kasalanan at sa kasalanan ng lahat (cf. Gal 1: 4; 2:20), Ang katotohanang
ito sa kanyang buhay ay huwaran para sa ating lahat. Mayroong isang magandang paglalagom si San Pablo hinggil sa teolohiya ng Krus, at ito ay matatagpuan natin sa Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto (5:14-21). Dito ang
lahat ay napapaloob sa dalawang pangunahing pagpapahalaga: ang una ay si Kristo na itinuring na makasalanan uPang sa
pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos (v. 21), namatay para sa lahat (v. 14); at ikalawa ang Diyos na ipinagkasundo tayo sa kanyang sarili at hindi tayo sinisi sa
ating mga kasalanan (vv. 18-20). Sa pamamagitan ng
"ministeryo ng pagkakasundo" na ito, ang lahat ng uri ng pang-aalipin
ay tinubos (cf. 1 Cor 6:20;7:23). Lumalabas dito ang
kahalagahan nito sa ating buhay. Tayo rin ay nararapat na pumasok sa "ministeryo ng pagkakasundo" na nangangailangang
isuko ang
sariling kagalingan at piliin ang kahangalan ng pag-ibig.
Inialay ni San Pablo ang kanyang sariling buhay at inilaan ng walang pag-aalinlangan ang kanyang sarili sa ministeryo ng pagkakasundo, ng Krus, na siyang nagliligtas sa lahat. At
tayo rin ay nararapat na gawin ito: nawa'y matagpuan natin ang tunay na lakas sa kababaan ng pag-ibig at ang karunungan sa kahinaan sa pagtalikod sa mga materyal na bagay. Ito ay pagpasok sa kapangyarihan ng Diyos. Hubugin natin ang ating buhay dito sa totoong karunungan: hindi dapat tayo mabuhay para sa sarili, kung hindi mabuhay para sa pananampalataya
sa Diyos na masasabi natin: "minahal niya ako at ibinigay
niya ang kanyang sarili para sa akin."
PANALANGIN
Commentator:
Ang lahat ay lumuhod.
Lahat:
Ama naming makapangyarihan, sa ikararangal mo at
ikagagaling ng sangkatauhan niloob mong si Kristo ay maging
dakilang pari kailan man. Ipagkaloob mong ang bayang para
sa iyo'y kanyang kinamtan dahil sa dugo niyang banal ay
makapakinabang sa kanyang pagkamatay at pagkabuhay
pakundangan sa alaala niyang ipinagdiriwang sa
pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen.
Commentator:
Ang lahat ay tumayo.
DAKILANG PAG-IBIG
Dakilang pag-ibig saan man manahan
Diyos ay naroroon walang alinlangan
Hinirang tayo sa pagmamahal ng ating Poong si Hesus.
Lahat tayo ay lumigaya sa pagkakaisa sa Haring nakapako sa
Krus.
IKAAPAT NA PANGKAT
PAGBASA
Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan (17:20-26)
R. Papuri sa iyo
Panginoon.
Noong panahong iyon, tumingala si Hesus sa langit at nanalangin, "Amang banal, hindi lamang ang aking mga
alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat,
Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayon din naman! maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila'y ganap na maging
isa,
gaya nating iisa: ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin,
upang lubusan silang maging isa. At sa gayoo makikilala hg
sanlibutan na sinugo mo ako, at sila'y iniibig mo tulad ng pag-ibig mo
sa akin."
Ama,nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha
ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi nakikilala ng
sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa
akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso
nila at ako nama'y sumakanila."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
R. Pinupuri ka naming Panginoon Hesu-kristo.
Commentator:
Ang lahat ay umupo.
RESPONSORIO (1 ]uan
4:8-9)
Namumuno:
Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos.
R. Sapagkat ang Diyos
ay pag-ibig.
Namumuno:
Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig nang isugo niya ang
Anak.
R. Sapagkat ang Diyos
ay pag-ibig.
PAGNINILAY
Mula sa Katesismo ni
Papa Benedicto XVI hinggil kay San Pablo Apostol:
Espiritwal na Pagsamba (7 Enero 2009)
Sa Roma 3:25, matapos banggitin ang "katubusan na na
kay Kristo Hesus," ipinagpapatuloy sa atin ni San Pablo ang
isang misteryosong pormula tungkol kay Hesus: "Siya ang
itinakda ng Diyos upang maging handog upang sa pagbubuo ng kanyang dugo ay maipatawad ang mga kasalanan ng mga tao sa pamamagitan ng pananalig sa kanya." Sa pamamagitan ng
mga kakaibang salitang ito, "handog ng Papapatawad,"
tinutukoy ni San Pablo ang tinatawag na "propisyatoryo" ng
Templo. Ito ay ang takip na nagkukubli sa Kaban ng Tipan na sumasagisag sa pagtatagpo ng Diyos at ng tao, ang tagpuan ng Presensya
ng Diyos sa daigdig. Sa Araw ng Pagbabayad-puri "Yom
Kippur," winiwisikan ng dugo ng handog na hayop
ang"propisyatoryo" na kumakatawan sa pagsusuko ng mga kasalanan ng nakaraang
taon sa.Diyos. Kung kayat ang mga kasalanan ay iwinawaksi sa kalaliman ng kabutihan ng Diyos, sinasakop ng kapangyarihan ng Diyos, ginagapi at pinatatawad. Ito'y pagsisimulang muli
ng bagong buhay. Ang rito na ito ang tinutukoy sa atin ni San pablo; at ipinahihiwatig niya sa atin na ito ay nagpapahayag ng tunay
na kagustuhang iwaksi ang lahat ng ating mga kasalanan sa ‘di maarok na kalaliman ng banal na awa. Ngunit ang kagustuhang ito ay hindi nagkaroon ng katuparan sa dugo ng mga hayop. Kinailangan ang mas makatotohanang pagtatagpo ng kasalanan ng tao at ng banal na awa. At ang pagtatagpong ito ay nagkaroon ng kaganapan sa Krus ni Kristo. Si Kristo, ang
tunay na Anak ng Diyos na nagkatawang-tao, ang umako ng-lahat ng ating mga kasalanan. Sa kanya nagtatagpo ang kapahamakan ng tao at ang banal na awa. A.g lahat ng kasamaan ng sangkatauhan ay nalulusaw at pinapanibago sa kanyang puso. Sa paghahayag ng pagbabagong ito, sinasabi sa atin ni San Pablo na ang nakaugaliang pamamaraan ng pagsamba, kasama ang pag-aalay ng mga handog na hayop, sa Templo ng Jerusalem ay nagwakas sa Krus ni Kristo, ang dakilang gawa
ng banal na pag-ibig na naging pag-ibig ng tao. Ang simbolikong pagsamba na ito, ang kulto ng pagnanais, ay pinalitan ng
tunay na pagsamba: ang pag-ibig ng Diyos na nagkatawang-tao kay Kristo at nagkaroon ng katuparan sa kanyang kamatayan sa Krus. Hindi ito paglalagay sa tunay na pagsamba sa antas ng
espiritwal; ang tunay na pagsamba ay banal at makataong pag- ibig na bumubuwag sa simboliko at panandaliang pamamaraan ng pagsamba. Ang Krtis ni Kristo, ang kanyang pag-ibig sa anyong laman at dugo, ay tunay na pagsamba na nagpapakita ng katotohanan ng Diyos at ng tao. Sa opinyon ni pablo, ang panahon ng Templo at ng pagsamba dito ay natapos na bago pa man tuluyang sinira ang Templo. Ito ay naaayon sa sinabi ni Hesus noong inihayag niya ang imbing pagkaguho ng Templo at
ang paghahayag ng bagong templo "na hindi gawa ng
tao," ang templo ng Katawang Muling Nabuhay.
PANALANGIN
Commentator:
Ang lahat ay lumuhod.
Lahat:
Ama naming makapangyarihan, ngayong ang aming
katubusan ay aming ginugunita, kami'y dumadalangin at
nagmamakaawa na ang ginaganap namin ay maging pananda
ng pagkakaisa at pag-ibig na sangla ng Manunubos naming si
Hesu-kristo na namamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.
Commentator:
Ang lahat ay tumayo.
PANALANGIN NG BAYAN
Namumuno:
Hinihimok ni Kristo ang lahat sa kanyang banal na hapunan, kung saan inihahandog niya ang kanyang katawan at Dugo para sa ikabubuhay ng sanlibutan, hilingin natin sa kanya.
PAG-ISAHIN MO KAMI SA
PAG-IBIG PANGINOON.
1. Kristo, Anak ng Diyos na buhay, ipinag-utos mo na ang hapunang pagpapasalamat ay gawin sa pag-ala-ala sa iyo, pagyamanin mo ang iyong simbahan sa pagdiriwang ng mga banal na misteryo. (R.)
2. Kristo, paring walang hanggan ng kataas-taasang Diyos, ipinagbilin mo sa iyong mga pari na iaalay ang mga sakramento, magluningning nawa ang kahulugan nito sa kanilang mga pamumuhay. (R)
3. Kristo, tinapay ng buhay, pinag-iisa mo ang lahat ng nakikinabang sa iyong katawan, palakasin mo ang lahat ng nananampalataya sa pamamagitan ng kapayapaan at
pagkakasundo. (R.)
4. Kristo, sa pamamagitan ng iyong eukaristiya
ipinagkakaloob mo ang lunas ng buhay na walang hanggan. Igawad mo ang kagalingan sa lahat ng maysakit at ang pag-asa ng pagpapatawad sa lahat ng mga may kasalanan. (R.)
5. Kristo, bukal ng pag-ibig at awa ng Ama, kaawaan mo ang lahat ng nauuhaw sa iyong salita sa kadahilanang walang magdala nito sa kanila, biyayaan mo ang iyong simbahan ng marami pang bokasyon na siyang maghahatid sa iyo ng karampatang ani pagdating ng wakas: (R.)
6. Kristo, aming hari na darating, ipinag-utos mo na ang sakamento na nagpapahayag ng iyong kamatayan at muling pagkabuhay ay ipagdiwang hanggang sa iyong pagbabalik, ipagkaloob mo na ang lahat ng namatay ay makapakinabang sa iyong muling pagkabuhay. (R.)
AMA NAMIN
Ang lahat ay tumayo.
ANG LITANYA NG
EUKARISTIYA
Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami. Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami
Hesus, ang pinakadakila * Kaawaan mo kami.
Hesus, ang banal
Hesus, ang Salita ng Diyos
Hesus, ang Bugtong na Anak ng Ama
Hesus, Anak ni Maria
Hesus, ang napako sa krus
Hesus, ang muling nabuhay
Hesus, nabubuhay sa kaluwalhatian
Hesus, magbabalik muli
Hesus, aming Panginoon
Hesus, aming pag-asa
Hesus, aming kapayapaan
Hesus, aming
kaligtasan
Hesus, aming muling pagkabuhay
Hesus, hahatol sa lahat
Hesus, Panginoon ng Simbahan
Hesus, Panginoon ng sangnilikha
Hesus, mapagmahal sa lahat
Hesus, buhay ng daigdig
Hesus, kalayaan ng mga napipiit
Hesus, ligaya ng mga nalulumbay
Hesus, nagkakaloob ng Espirito
Hesus, sanhi ng lahat ng biyaya
Hesus, sanhi ng bagong Buhay
Hesus, ang walang hanggang pari
Hesus, pari at hain
Hesus, tunay na Pastol
Hesus, tunay na liwanag
Hesus, tinapay mula sa langit
Hesus, tinapay ng buhay
Hesus, tinapay ng pasasalamat
Hesus, tinapay na nagbibigay ng buhay
Hesus, banal na manna
Hesus, bagong tipan
Hesus, pagkain sa buhay na walang hanggan
Hesus, pagkain sa aming paglalakbay
Hesus, banal na pagsasalo
Hesus, tunay na sakripisyo
Hesus, ganap na sakripisyo
Hesus, walang sakripisyo
Hesus, maka-Diyos na-Hain
Hesus, Tagapamagitan ng bagong tipan
Hesus, misteryo sa altar
Hesus, misteryo ng pananampalataya
Hesus, lunas sa buhay na walang hanggan
Hesus, pangako ng buhay na walang hanggan
Hesus, Kordero ng Diyos, ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan
(R. Maawa ka sa amin)
Hesus, umako sa aming mga kasalanan ikaw na nag-aalis ng
mga kasalanan ng sanlibutan
(R. Maawa ka sa amin)
Hesus, Tagapagtigtas ng sanlibutaru ikaw na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan
(R. Maawa ka sa amin)
Kristo pakinggan mo kami
(R. Kristo Dinggin mo kami)
Panginoong Hesus dingin ang aming panalanagin.
Namumuno:
Manalangin tayo.
Sandaling katahimikan.
Lahat:
O Diyos, iniwanan mo sa kahanga-hangang Sakramentong ito ang alaala ng iyong hirap at sakit: sambahin nawa namin ang banal na misteryo ng iyong katawan at dugo upang lagi naming madama ang mga bunga ng iyong pagtubos sa amin ikaw na nabubuhay at naghahari ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Namumuno:
Nawa'y pagpalain tayo ng Panginoon, iligtas sa lahat ng masama, at patnubayan sa buhay na walang hanggan.
R. Amen.
PANGWAKAS NA AWIT
Buksan ang aming puso turuan mong mag-alab
Sa bawat pagkukuro lahat ay makayakap
Buksan aming isip sikatan ng liwanag
Nang kusang matangkilik tungkuti'y mabanaag.
Buksan ang aming palad sarili'y maialay
Turuan mong ihanap kami ng bagong malay.
No comments:
Post a Comment